^

True Confessions

'Pinaglaruan kami ng mga duwende' (Ika-37 Labas)

-
Ang mga sulat ng duwendeng si Bryana ay naikumpara ko sa aking mga nabasa sa sikat na libro ni Jaime T. Licauco na may title na "True Encounters With The unknown." Sa libro ni Licauco ay may mga mensahe sa movie actress na si Dina Bonnevie. Ang kaibhan, hindi mga duwende ang nagbigay ng mensahe kay Bonnevie kundi angel. Nagbigay ng babala na mamamatay si Dina sa Peru. Ipinaabot ang mensahe sa isang nagngangalang Anthony Vivero noong Aug. 11, 1998.

Nabanggit ko ang mga nabasa ko sa libro ni Licauco sapagkat magpahanggang ngayon, naaalala ko pa ang mga isinulat ng mga duwende na nagbibigay ng babala sa aking anak na si Gina. Laging binibigyan ng babala na huwag pumasok sa school sapagkat may mangyayari. Ilang beses nagbigay ng babala na mababangga ang sasakyan. Kung pinayagan ko si Gina hindi kaya nabangga nga siya. Isa pang babala ay ang mga nag-aabang daw na "mangkukulam" o "mambabarang" na malapit lamang sa school.

Binabalikan ko rin sa isip ang pangyayaring itinali siya ng duwende para hindi umano makalabas ng bahay. Naisip ko na kung lumabas nga ng bahay si Gina ng gabing iyon, hindi kaya siya napahamak. Ang ipinangtali kay Gina ay isang panyo. Itinatago ko pa iyon at mahigpit pa rin ang pagkakabuhol.

Katagalan, kapag may nawawalang mga gamit sa bahay ay agad nilang sinasabi sa sulat na ibabalik din nila iyon. Huwag daw mainip. Gaya ng sulat noong January 16, 2001. Sabi sa sulat: "Naglalaro lang kami, ibabalik din namin si Digna, duwende, naglalaro lang kami, ibabalik din namin walang ibig sabihin iyon naglalaro lang kami."

Paulit-ulit ang pagsasabi.

Minsan sa kawalan ng masusulatang papel pati sa blank check ay ginamit din nila. Mayroon kasi akong blank check ng Philippine National Bank. Nakasulat sa check: "Papalitan namin wag alala, mas malaki hintay niyo lang wag inip." Sa ibaba ng check ay may nakapirmang hindi maintindihan ang pagkakasulat. (Itutuloy)

vuukle comment

ANTHONY VIVERO

BINABALIKAN

DINA BONNEVIE

GINA

JAIME T

LICAUCO

PHILIPPINE NATIONAL BANK

TRUE ENCOUNTERS WITH THE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with