Yaya Ruth (1)
SA suot niyang bestidang bulaklakin at nakatirintas na buhok, halatang bagong salta sa Maynila si Ruth. Nakayuko siya habang nakatayo sa gitna nang napakalaking sala ng mansyon ng mga Marianza, nahihiya, maamo, at tila walang muwang sa karangyaan.
Pero sa ilalim ng kanyang bestida, hapit na hapit ang kurba ng kanyang katawan. At sa likod ng mahiyaing ngiti, pasimpleng na sinu-survey na ng kanyang mga mata ang mga kagamitan sa mansyon.
Peke ang NBI clearance ni Ruth. Peke ang kanyang birth certificate. Lahat ay gawa ng sindikatong kinabibilangan niya. Hindi siya narito para mag-alaga ng bata. Narito siya para alamin kung saan nakatago ang kayamanan ng pamilyang ito, at maglaho bago pa sumikat ang araw sa ikalawang linggo.
“Pasensiya ka na kung ako mag-interview sa’yo, Ruth, imbis na ‘yung misis ko” malambing na sabi ni Sir Rafael. Lumapit ito sa kanya, amoy mamahaling pabango. Sa edad na kuwarenta’y singko, may nakakalunod itong karisma, ang klase ng lalaking sanay makuha ang lahat ng kanyang gusto. “Matagal nang may sakit sa pag-iisip si Clara. Minsan, kung anu-ano ang nakikita niya. Kaya ako muna ang haharap sa’yo.”
(Itutuloy)
- Latest
















