^

True Confessions

La Viuda (Wakas)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MAKALIPAS ang isang taon, ang da­ting malawak na ­hacienda ng mga Valderrama ay ngayo’y tuluyan nang naipamahagi at naging malayang sakahan ng mga magsasaka. Ang noo’y magarbong mansiyon ay isa nang simple ngunit maaliwalas na bahay na gawa sa kahoy at bato.

Sa maliit na bakuran sa harap ng bahay, abala si ­Hulyana sa pagdidilig ng kanyang mga tanim na gulay at bulaklak habang unti-unting lumulubog ang araw. 

“Kanina ka pa riyan, mahal. Baka malamigan ka na sa hamog,” isang marahan at pa­milyar na tinig ang nagsa­lita mula sa may beranda.

Napangiti si Hulyana nang lumapit si Ernesto. Nakasuot ito ng simpleng puting kamiseta na may bahagyang mantsa ng lupa mula sa pagtulong nito sa taniman.

“Salamat, Ernesto. Ikaw rin, magpahinga ka na muna,” tugon ni Hul­yana habang sumandal sa balikat ng asawa habang pinagmamasdan nila ang kulay-kahel na langit.

Matapos talikuran ang lahat nang natirang ka­rangyaan ng kanyang pa­milya, pinili ni Ernesto ang isang payak na buhay. Hindi na siya ang Señorito na pinagsisilbihan, isa na lamang siyang ordinaryong lalaking nagtatrabaho nang marangal para sa kanyang sarili at para sa babaing mahal niya.

“Alam mo,” mahinang tawa ni Ernesto habang nakatingin kay Hulyana, “kung babalikan ko pa rin ang gabing iyon sa mansiyon... hindi ko akalaing ang isang desperadong pagpapanggap natin sa kuwarto ang magiging simula ng totoong buhay ko.”

Bahagyang namula ang pisngi ni Hulyana, ngunit ngumiti ito nang may lambing. “Noon, ginawa natin iyon para iligtas si Andres. Ngayon, wala na tayong kailangang itago o ipagpanggap.”

Hinawakan ni Ernesto ang kamay ni Hulyana, mahigpit at puno ng kapanatagan. 

Isang masayang tawanan ang umali­ngawngaw mula sa bukas na tarangkahan sa kabilang bakuran.

Sa di-kalayuan, nakita nina Ernesto at Hulyana ang paparating na sina Andres at Kristina, karga ang kanilang isang taong gulang na anak. Nasa likuran si Aling Pacing na may bitbit na basket ng mga bagong lutong ulam para sa kanilang hapunan.

Kumaway si Andres kina Ernesto at Hul­yana. Kumaway pabalik sina Ernesto at Hulyana.

Matiwasay na ang lahat para sa kanila. Napakaganda namang tanawin ng payapang langit habang papalapit ang dapithapon.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with