^

True Confessions

'Pinaglaruan kami ng mga duwende' (Ika-14 labas)

- Ronnie M. Halos -
Pagpasok ni Jane at ng lalaking kasama nito sa loob ng aming bahay ay para bang may kakatwang nangyayari na hindi ko malaman. Para bang may mga nabulabog sa pagdating ng aking dalawang bisita. Inobserbahan ni Jane at ng kasama nito ang bahay. Pinakiramdaman. Para bang x-ray ang mga mata na hinahanap ang anumang nakatago sa loob. Pagkaraa’y itinanong kung nasaan ang aking anak na si Gina. Tinawag ko si Gina na nasa loob ng kuwarto. May lagnat pa rin si Gina noon. Pinalapit ito ni Jane sa kanya.

"Me lagnat ka nga," sabi ni Jane at saka ipinatong ang kanang kamay sa ulo ni Gina.

Hiniling nitong pumikit din kami habang nakapatong ang kamay niya sa ulo ni Gina. Sumunod naman kami. Ako lamang naman at ang kapatid kong babae ang naroon. Namayani ang katahimikan habang nakapatong ang kamay sa ulo ni Gina. Matagal din kami sa ganoong ayos. Ang ginagawa namin ay para bang iyong napapanood sa telebisyon. Habang ginagawa iyon, pakiramdam ko nama’y may mga nilikhang nakatingin sa aming ginagawa. Ewan ko pero iyon ang kutob ko.

Pagkatapos ay humingi sa akin ng ballpen at papel si Jane.

"Kailangan nating mag-automatic writing," sabi nito.

Noon ko lamang narinig ang automatic writing. Para saan pa kaya iyon? Gayunman hindi na ako nag-urirat pa.

Umupo si Jane sa mesa at nagsimulang sumulat sa papel. Ang kasamang lalaki ni Jane ay nakaupo sa tabi niya. Ako, si Gina at ang aking kapatid ay nakatingin lamang sa ginagawa ni Jane.

Sa simula’y mabagal ang pagsulat ni Jane subalit nang tumagal ay bumilis nang bumilis. Nakikita naming parang sa bata ang pagkakasulat sa papel subalit pantay-pantay naman iyon at nasa linya.

Nang matapos sa pagsulat ay saka namin binasa ang nakasulat.

"Ako si Prinsesa Aryana. Marami kami rito. Ang lahat nang nangyayari rito ay kami ang may-gawa. Gusto naming kaibigan si Gina..."

(Itutuloy)

vuukle comment

EWAN

GAYUNMAN

GINA

HABANG

HINILING

INOBSERBAHAN

ITUTULOY

JANE

KAILANGAN

PRINSESA ARYANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with