Marcos Jr, FL Liza nag-‘day off’ muna
MANILA, Philippines – Nagpahinga sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos nitong nagdaang Linggo at Lunes matapos ang sunud-sunod na aktibidades.
Sa isang post sa Facebook nitong Lunes, Nobyembre 23, sinabi ng Unang Ginang na nagdesisyon silang mag-asawa na maglaan ng dalawang araw na pahinga at magkaroon ng tahimik na oras na magkasama.
“After a whirlwind of activities these past few weeks, we finally decided to take Sunday and Monday off to slow down, rest, and recharge,” aniya.
“No big plans, no fuss . . . just a little peace and quiet and some much-needed downtime together,” dagdag niya.
Nauna rito, pinangunahan ng Pilipinas ang pagho-host ng 49th ASEAN Summit and Related Summits mula Nobyembre 15 hanggang 17, kung saan nagtipon ang mga lider ng rehiyon at mga katuwang na bansa.
Bilang bahagi ng ASEAN Spousal Program, pinangunahan ni Araneta-Marcos ang pagtanggap sa mga asawa ng mga bumisitang lider ng ibang bansa sa Likhang Filipino sa Pasay City.
Nagdaos din siya ng pagtitipon sa ilalim ng Fostering the Future Together Global Coalition, isang inisyatiba ni United States First Lady Melania Trump na naglalayong palawakin ang access ng mga bata sa edukasyon at teknolohiya habang pinoprotektahan sila laban sa mga banta sa internet.
Kasunod ng pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN noong Nobyembre 18, tinanggap ni Pangulong Marcos sa Malacañang si US President Donald Trump.
Pagkatapos nito, nagtungo ang mag-asawang Marcos sa Shenzhen, China noong Nobyembre 18 upang dumalo sa 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting.
- Latest














