Dennis, rumesbak kay Gelli!

Awss dumarami ang anggulo sa interview ni Patrick Garcia tungkol sa anak nila ni Jennylyn Mercado.
Nanahimik man ang actress, hindi ang kanyang mister na si Dennis Trillo.
At ang isang sinagot niya, ang Mantsa actress na si Gelli de Belen nang matanong siya sa kanyang guesting sa Chika Cart sa GTV.
Tinanong kasi siya ng host na si Jeff Fernando kung necessary pa ba ang pagpapa-interview ni Patrick.
Sagot ni Gelli: “I cannot say for a fact na l would say think that it was necessary or not kasi hindi ko naman alam ang pinagdadaanan ni Patrick. Hindi ko naman alam ang pinagdadaanan ng anak niya. If that were me, probably deal with it differently, or maybe, still agree to an interview, pero be more, I don’t know, l cannot. ‘Di ko alam ang gagawin ko eh, kasi wala ako sa posisyon niya, mahirap.
“Ama siya eh, hindi mo makukuwestiyon kung ano ang pagmamahal ng magulang. So kung ano man ang ginawa man niya sa pangalan ng pagtatanggol.”
Ang sagot ni Dennis sa post ng bagong talk show tungkol dito: “@gellidebelen nananahimik kami... lahat yan ay natural na reaksyon ng matinong TAO!
“Pasalamat kayo, dinaan ko nalang sa ganyan. Oo kawawa talaga mga bata, may mga anak din kami! Sisihin mo yung nagsimula ng gulo!”
May pangalawang sagot ang actor: “Ako lang ba o parang may kinakampihan ang mga magagaling na ito? Congrats sa new show sa GTV !!!! bagay na bagay kayo jan.”
Sa bandang huli ay parang nilaro lang ni Dennis ng “Agree lang ng agree ang mga #8080.”
- Latest






















