^

PSN Showbiz

Ynna Asistio, naalala ang nakaraan nila ni Mark!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Ynna Asistio, naalala ang nakaraan nila ni Mark!
Ynna Asistio at Mark Herras

Hindi ikinakaila ng actress (at isa sa mga anak ng veteran actress na si Nadia Montenegro) na si Ynna Asistio na na-ghosting din siya noon ng dating Kapuso actor na si Mark Herras na naging kasintahan niya ng almost eight years.

She was the last one to know na wala na pala sila ni Mark dahil may iba na itong dini-date noon, ang dating beauty queen-turned actress na wife na niya ngayon na si Nicole Kim Donesa.

Hindi ikinakaila ni Ynna na sobra umano niyang iniyakan ang nangyari sa kanila ni Mark lalupa’t wala silang formal breakup.

Pero ang lahat ng sugat at pain ay pinaghihilom ng panahon.

Para sa aktres, God-given gift sa kanya ang kanyang non-showbiz husband na si Bully Carbonell pati ang kanyang almost four-year-old daughter na si Ava.

Dumating sa kanyang buhay si Bully at a time na totally healed na siya sa kanyang past heartbreak.

Pinakasalan siya ng kanyang mister nung Aug. 8, 2022. The following year ay dumating naman sa kanilang buhay ang kanyang first baby na si Ava, ang kauna-unahang apo ni Nadia Montenegro.

Kris, pagaling na

Maraming followers ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino ang natuwa na unti-unti itong gumaling sa kanyang sakit na naging dahilan kung bakit niya ito tinalikuran (pansamantala) para magpagamot at kasama na rito ang kanyang treatment sa Amerika na umabot ng mahigit dalawang taon.

It was in April 2016 nang magtapos sa ere ang long-running lifestyle magazine talk show niya sa ABS-CBN, ang Kris TV, and refused to renew her contract with then number one TV network sa bansa na naging tahanan niya sa loob ng 20 years.

Ten years natigil si Kris sa kanyang showbiz career laluna nung lumala ang kanyang sakit ng multiple autoimmune system condition.

Inakala ng maraming tao na hindi na makaka-recover si Kris sa kanyang sakit pero patuloy siyang lumaban para sa kanyang dalawang anak na sina Joshua (31) at Bimby (19).

Kahit kailan ay hindi nawala kay Kris ang kanyang intention na magbalik showbiz at nang mag-improve ang kanyang health ay unti-unti na niya itong binabalikan. Bukod sa kanyang special project with Netflix Philippines, kinuha si Kris ng Shopee for her comeback endorsement bagay na kanyang pinasasalamatan.

There came a point sa career ni Kris na kabi-kabila ang kanyang product endorsements kaya siya tinawag  noon na ‘reyna ng mga commercials’ sa gitna ng mga kontrobersiya na kanyang kinasasangkutan.

Since si Kris ay isa ring film producer, hindi kami magtataka kung pati ang paggawa ng pelikula ay muli niyang balikan.

Still on Kris, natutuwa ito sa kanyang bunsong anak na si Bimby dahil natupad nito ang kanyang pangarap na mag-showbiz tulad niya na naunang napanood sa Eat Bulaga bilang guest at ngayon ay may endorsement na rin.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with