^

PSN Showbiz

Mga obrang mula sa puso

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Nabanggit ko late last year na sa pagbubukas ng 2026, kakaririn ko talaga ang makapag-produce ng mga artworks bawat buwan para palaging may naka-display sa FUk gallery sa Ortigas Center. (at para may dagdag kabuhayan!)

Nakakatuwa lang dahil ang naging buena mano (at lucky charm!) ko ay ang aming napakabait na boss dito sa Pilipino Star Ngayon at The Philippine Star na si Sir Miguel Belmonte. (na ang tawag ni Nay Lolit noon sa kanya ay Papa Miguel!) Isa talaga si Sir Miguel sa mga nangungunang supporter/collector ng The Art of FU. (namamakyaw pa!) Thank you po sir! (sa uulitin po!)

Nagpapasalamat din ako sa ilang mga bagong supporters ng paintings ko tulad ng mga negosyanteng sina Michelle Arago, Rachelle Consul, ang actor/producer/businessman na si RS Francisco, Nunungan Vice Mayor Marcos Mamay at MTRCB Chairperson Lala Sotto. (mag-message lang sa’kin ‘yung mga bet sumuporta rin ha!)

Sa gitna naman ng mga kontrobersyang kinasasangkutan ni celebrity lawyer Atty. Ferdie Topacio, nakuha pa rin nyang bigyan ng atensyon ang mga obra ko. (obra raw o?!) Si Atty. Topacio ang isa pinaka-una kong collector nung magsimula akong magpinta noong 2018. Siya rin ang may pinakama-
raming nakuhang The Art of FU. (at dapat di sya tumigil sa pagkuha!)

Limited lamang ang mga nadi-display sa FUk Gallery (na makikita rin sa ig at fb na the FUk Gallery), bilang mabilis silang maubos, (wooww artist na artist ba?!) at bilang kinakarir ko talaga ang bawat artwork ko. (hindi ito mass production!)

Thank you talaga sa mga supporters at collectors. Sana mas maraming tao pa ang maka-experience ng aking art. (para close na tayo!)

Ang lagi kong sinasabi: “The Art of FU reflects love, light and blessings. Each abstract art is created with passion and devotion.” (yes, may ganon ha!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

ORTIGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with