^

PSN Showbiz

Balik-tambalan nina Juday at Sam, naunsyami

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Balik-tambalan nina Juday at Sam, naunsyami
John, Arjo Atayde at Judy Ann Santos
STAR/ File

Ano kayang nangyari sa supposedly ay movie comeback ni Judy Ann Santos noong 2023 pa na isang horror drama thriller, ang The Diary of Mrs. Winters with Sam Milby?

Actually film comeback din nila sana ito ng actor kung saan sila nagkatrabaho sa Huwag Ka Lang Mawawala noong 2019.

Pero at least si Judy Ann, may The Bagman, si Sam kaya anong gaga­wing serye o pelikula?

Baka naman mas priority niyang ayusin ang problema nila ni Catriona Gray kesa magtrabaho.

Actor nakabili ng kotse sa pagiging online seller, ibang female star sumasabak sa mabilisang raket

Wow nakabili pala ng brand new car ang isang young actor dahil sa pagbebenta sa social media platforms.

Yup, since wala raw itong masyadong trabaho sa showbiz, sumabak ito sa online selling.

Ang presto, ayun na, nakaipon agad-agad ng pambili ng sasakyan.

Well, ganun naman dapat, magsipag ka lang kikita ka talaga ngayon sa social media.

At least hindi siya tumulad sa ibang artista na sumasabak sa escort business.

Kasi raw doon, mabilis ang datung.

Minsan diumano, dinner plus chikahan lang, kumikita ang ibang celeb ng half a million.

Yup, you read it right.

At mga kilalang celebrity ang naririnig kong pangalan na sumasabak sa ganung raket.

Well, ganun na ba kababa ang moral values ng ibang celebrity na ‘toh na literal na ginagamit ang ganda at katawan para magkadatung?

How sad.

vuukle comment

JUDAY

SAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with