^

PSN Showbiz

Ate Vi at juday, magsasanib sa horror drama

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi at juday, magsasanib sa horror drama
Judy Ann Santos.
STAR/ File

Vilma Santos at Judy Ann Santos magsasanib-puwersa na?

Finally! Napakaganda at napakalaking balita ito kung matutuloy!!!

Anong pelikula?
 Kakaiba naman daw – horror drama.

Para sa MMFF ba?
Malamang! Exciting!

Sana itodo na, idagdag na si Charo Santos para Todos Los Santos na!

Manager ni Bea, nadamay sa climate change

Anyare kina Shirley Kuan at Cristy Fermin?

Hindi ba’t si Cristy ang tagapagtanggol noon nila Bea Alonzo sa mga nasusulat ni Lolit Solis?

Bakit nag-iba ang ihip ng hangin? Dahil ba sa climate change?

Ang labo, ‘di ba?

Ryan at Ice, magtatapatan!

Happy 70th Birthday ngayon ng ating National Artist for Music Ryan Cayabyab na may isang major concert na Gen C sa May 11 and 12 sa Circuit Makati next week!

Hindi pa ba sold-out?

Mukhang mabilis naman ang takbo ng tickets. Kasabay nila ang Videoke concert ni Ice Seguerra na nag-post na sold-out na ang second night?

Ganun ba talaga, kailangan mag-two nights na para mabawi at ma-maximize ang cost at expenses ng concert?

Dahil napakaliit ng advertising budget ngayon, heroic ang mag-produce at mount ng ganitong concerts ngayon!

Pinag-away...

Ayon sa nasagap naming balita, wala namang malaking hidwaan o away na naganap kina Rabiya Mateo at Faith da Silva.

Totoo bang meron lang isang karakter sa taping na nagpapalaganap ng mga bali-balita na imbes na maglapit sa kanilang dapat, ay napag-aaway pa tuloy?

Mukhang wala na raw ‘yung karakter na ‘yun sa taping.

At wala na rin si Rabiya, na magco-concentrate na raw sa acting.

Sana ikataas nga ng rating ang pagpasok ni Herlene Budol sa TikToClock.

Good luck!

Nakakata-quote:

“Ayoko nang magpakaplastik. Tulad ng lagi naming hinihirit … na sila pa rin (Bea Alonzo and Dominic Roque) ang gusto naming magkatuluyan sa ending.” – Ogie Diaz

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with