^

PSN Showbiz

Darren, sinagot ang intriga sa lovelife!

Pilipino Star Ngayon
Darren, sinagot ang intriga sa lovelife!
Darren Espanto at Bernadette Sembrano.
STAR/ File

Binisita ni Bernadette Sembrano ang Kapamilya star na si Darren Espanto habang nag-eensayo para sa kaniyang nalalapit na 10th anniverary concert, ngayong Linggo (May 5) sa Tao Po.

Nagbalik-tanaw ang Asia’s Pop Heartthrob na si Darren sa kaniyang karera mula sa kaniyang pagsali sa The Voice Kids hanggang sa kanyang pagpasok sa larangan ng pag-arte. Ibinahagi niya nang may kasiyahan ang mga tagumpay sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap, kasama na rito ang kaniyang pagtatanghal sa entablado ng ASAP Natin ‘To at ang pagkakataong makasama ang isang partikular na artistang matagal na niyang hinahangaan. Bukod dito, walang takot niyang hinarap ang mga usap-usapang umiikot sa kaniyang buhay pag-ibig.

Samantala, kinilala naman ni Zyann Ambrosio ang taong nasa likod ng pintadong mukha ng mime artist at living statue na si Rodel Bartido na mas kilala bilang Pinturados. Ibinahagi ni Rodel kung paano niya natagpuan ang bokasyon habang nagtatrabaho bilang isang tour guide, at ang mga hamon na kaniyang hinarap sa pagtahak sa landas ng pagiging isang street performer. Kasama si Zyann, ipinamalas ni Pinturados ang kanyang antics sa Quezon Memorial Circle sa ABS-CBN Grand Kapamilya Summer Fair noong Abril 27.

Matapos ang 50 taong malunod sa tubig ng dam ang bayan ng Pantabangan ay muling nag-resurface ito dulot ng mainit na panahon. Dala ng pangyayaring ito, nagpasya si Kabayan Noli De Castro na dumayo sa Nueva Ecija upang makasama ang dalawang magkapatid na ipinanganak at pinalaki sa bayan—ang 83-anyos na si Sonia Cuario at si Agripino Vargas. Magkasama nilang binalikan ang kanilang dating mga paboritong lugar matapos ang limang dekada.

vuukle comment

ASAP

BERNADETTE SEMBRANO

DARREN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with