^

PSN Showbiz

Ricci Rivero, nirampa ang konsehala sa basketball game!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Spotted sa SM MOA Arena na nanood ng basketball game between UP at DLSU ang rumored new couple na sina Ricci Rivero at councilor Leren Bautista. Nakita at nakunan silang nakaupo habang nagtsi-cheer sa UP Maroons at may photo rin silang kasama ang dad at brother yata ‘yun ni Ricci.

Na-share pa nga ng dad ni Ricci ang larawan nilang magkakasama, kaya ang comment ng netizens, tanggap ng family ni Ricci ang diumano’y bago niyang girlfriend. Ang fans na lang ang hindi maka-move on na may bago nang mahal si Ricci at si Andrea Brillantes naman ay masaya being single.

Ang daming comment sa sighting kina Ricci at Leren, may isang tweet na sinagot ni Ricci. Tweet kasi ng netizen, “Maglaba ka na lang pls wag ka na manood ng UP Games.” Sagot ni Ricci, “Ah wala pumapansin sayo sa bahay kaya dito ka hahanap ng papansin? Lol as bida bida.”

Natawa ang mga nakabasa ng sagot na ‘yun ni Ricci, the mere fact na sumagot siya, ibig daw sabihin, affected siya at pinayuhan si Ricci na maglaba kung may time siya. Remember, binu­king ni Andrea na one year hindi nagpa-laundry si Ricci noong magkarelasyon pa sila.

Claudine, pinagpalit ang Donbelle!

May Kapamilya fans ang nagtatampo kay Claudine Barretto dahil mas pinili raw nitong tanggapin ang offer na collab project ng GMA at Regal Entertainment na Lovers and Liars kesa Can’t Buy Me Love. Matagal na raw offer ng ABS-CBN ang CBML, pero hindi tinanggap ni Claudine at mas pinili nga ang L&L.

Sabi pa ng Kapamilya fans, mas pinili ni Claudine na makasama ang mga hindi masyadong sikat kesa mga sikat na sina Donny Pangi­linan at Belle Mariano. Sa pagbabasa ng mga comment, nalaman naming in-offer siya sa role na mom ni Belle sa CBML, hindi nito tinanggap at si Shaina Magdayao ang pumalit sa kanya.

Sa L&L, sina Rob Gomez, Yasser Marta, Kimson Tan at Mikee Quintos ang ilan sa makakasama niya at madadagdagan pa siguro. Hindi pa nabanggit kung sino ang director ng teleserye na si director Joey Reyes ang sumulat ng script at pati yata screenplay.

Hindi pa yata nakarating kay Claudine ang pagtatampo ng ilang Kapamilya fans dahil excited ito sa L&L. Pinost nito ang interview sa kanya ni Lhar Santiago, binanggit ang title ng teleserye at ang sabi, “Claudinians/Palanggas my teleserye that we all have been waiting for” at pinasalamatan ang GMA, Regal at manager niyang si Arnold Vegafria.

Malia ni Pokwang, pulis ang gustong bagong daddy!

Patawa itong si Malia O’ Brian, ang anak ni Pokwang sa ex-partner niyang si Lee O’ Brian, sabi kasi nito kay Pokwang, pulis ang gusto niyang maging new daddy. Nang tanungin ni Pokwang kung bakit pulis ang gusto niyang maging news dada, “Because” lang ang naisagot.

Mapapanood sa Instagram story ni Pokwang ang pag-uusap nilang mag-ina at nakiusap pa si Malia ng “Can I kiss him please in the camera” na ang tinutukoy ay ang magiging new dada niya.

Naloka si Pokwang sa kakaibang request ni Malia at hindi naman siguro siya mape-pressure maghanap ng pulis para pagbigyan si Malia.

Samantala, pasok sa 2023 ang Metro Manila Film Festival entry nina Pokwang at Eugene Domingo na Becky and Badette na siguradong puno ng katatawanan at kasiyahan. 

vuukle comment

LEREN

RICCI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with