^

PSN Showbiz

Kit natakot hiwalayan ni Ana, sinumbatan sa paghuhubad sa pelikula

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kit natakot hiwalayan ni Ana, sinumbatan sa paghuhubad sa pelikula
Kit at Ana
STAR/ File

Hindi ganun kadetalyado ang paglalahad ni Ana Jalandoni sa kung ano ang nangyari sa kanila ni Kit Thompson na umabot sa bugbugan.

Paulit-ulit ang pag-iyak niya dahil sa matinding trauma na inabot nito.

Ayon kay Ana, sa gitna ng kanilang inuman nang magbakasyon sila sa Tagaytay ay napapag-usapan daw nila ang paghihiwalay na nandun daw ang pagdududa ni Kit na baka rin iwan siya ni Ana. “Nangyari po kasi ‘yun, na nag-usap po kami na gusto daw po niya akong pakasalan. Tapos po, sabi niya mahal na mahal niya ako, ganundin ako sa kanya.

“Tapos po, may pina-delete po ako sa kanya na mga pictures namin sa social media. Tapos, naging okay naman po ‘yung usapan namin. And then ang next na po niya na tanong sa akin, na iniwan mo ‘yung ex mo ‘di ba? ‘Di ba hiniwalayan mo siya?

“Sabi ko, oo ang tagal na ‘yan 2018 pa ‘yan. Alam mo naman kung ano ang nangyari kung bakit. Tapos, sabi niya, ako ‘pag iniwan mo ako, patayin kita. Tapos sabi niya, akin ka lang, hindi ka puwedeng mapunta sa iba.

“Kaya, nung sinagot ko siya, sabi ko sa kanya ‘mahal kita, hindi kita iiwan alam mo ‘yan,” bahagi ng salaysay ni Ana.

Kaya paulit-ulit na umiiyak si Ana nang humarap ito sa entertainment press dahil sa hindi niya akalaing mabubuhay pa siya sa ginawa sa kanya ng aktor.

Ang buong akala raw niya ay patay na siya, kaya dagdag na kuwento ni Atty. Faye Singson, hinimatay raw si Ana sa ginawang pananakit sa kanya ni Kit. At nung nagising daw ito, ilang beses daw niyang kinurot ang sarili, para tiyaking buhay pa siya.

Dagdag na kuwento ni Atty. Faye Singson at Ms. Dianne Ang na bahagi ng legal team ni Ana, nung umakyat daw sila ng Tagaytay medyo iba na raw ang mood ni Kit na matindi raw ang pagseselos nito.

Kalalabas lang daw kasi ni Kit ng lock-in taping kaya nagkita sila at napagdesisyunan nilang magbakasyon sa Tagaytay. Nung nasa kotse raw sila, ikinuwento raw ni Ana na meron siyang gagawing project.

Sinabi raw ni Kit, na maghuhubad na naman ba ito. Ipinaliwanag naman daw ni Ana na ‘yun naman kasi ang image niya. “Magpapalamas ka na naman ng suso?” nilalamas daw ni Kit ang dibdib niya habang sinasabi niya ito.

Dagdag pang kuwento ni Atty. Faye, pagkatapos daw saktan ni Kit si Ana, nagpatulong pa raw ang aktres sa kanya na dalhin na siya sa hospital dahil sa sobrang sakit na ng katawan lalo na ang ulo.

Hindi raw pumayag si Kit. Sinabi lang daw ng aktor sa kanya na siya na ang maggagamot. Kaya humingi raw ito ng Biogesic sa reception ng hotel at ipina-take kay Ana. Hanggang sa nakatulog na raw si Kit.

Sobrang nanghina raw si Ana, pero pinilit niyang tumayo para tingnan ang sarili. Nagulat daw siya na sobrang namaga ang mukha nito at halos hindi na raw siya makakita.

Kaya hindi na nga raw niya alam kung sino ang na-message niya sa messenger dahil hindi na niya gaanong makita ang nasa phone.

Sabi pa ni Atty. Singson, bandang 5:30 daw ng hapon nangyari ang pambubugbog kay Ana, pasado alas-siyete ng gabi na raw dumating ang mga pulis para saklolohan ang aktres.

Doon na raw nagising si Kit, at hinuli na ito ng mga pulis. Isinugod naman sa hospital si Ana.

Kahit aminado naman ang aktres na nandiyan pa rin ang pagmamahal niya kay Kit, gusto niyang mabigyan ng hustisya itong nangyari sa kanya.

Kaya sinundan namin ng tanong kung ano ang nararamdaman niya na dahil sa pangyayaring ito, maaaring mahirap nang makakabawi pa si Kit sa kanyang showbiz career. “Siyempre po, ‘yun po ang career ni Kit e. Sa pagkakakilala ko po sa kanya, gusto n‘ya po talaga maging best actor.

“May pangarap po siya. ‘Yun po ang sinasabi niya sa akin sa career n‘ya.

“Pagsubok lang naman po ‘yun e. Malalagpasan din po ‘yan ni Kit. Kailangan lang talagang tanggapin n‘ya, at magpakatotoo siya sa sarili niya, para makapag-start siya nang maayos,” saad ni Ana.

Direk Jun at Perci, nakabawi sa MMFF

Kahit mahirap pa rin ang sitwasyon ng ating movie industry, hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang ilang movie producers.

Gumawa ka lang ng mati­nong pelikula at ma-market lang nang maayos, mababawi mo pa rin talaga ang ipinuhunan mo. Iyan ang paniniwala nina direk Jun Lana at direk Perci Intalan na humakot ng maraming awards ang pelikula nilang Big Night sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Nakaipon din sila ng malaki-laking halaga dahil may cash prize ang bawat award na napanalunan nito. Unti-unting nababawi na raw nila ang ipinuhunan nila sa Big Night.

“Lakasan pa rin ng loob!,” pahayag ni Direk Perci.

Dagdag naman ni direk Jun Lana, “At saka parang you don’t really give up. Parang you always wanna do something for the industry. I think iyan naman ang objective ng lahat.”

Sabi uli ni direk Preci: “At saka ano, e, hindi ka lang magiging creative sa concept ng pelikula... pati dun sa pag-license, pagbenta nung pelikula. Kasi, may way naman, e. Ano lang talaga... marami kang kailangang options.”

Ang inaasahan nila ay magiging friendly raw sa movie industry ang administrasyon na papasok. “Naniniwala kaming friendly ‘yung administrasyon na papasok. Nananalig kami. Ike-claim namin sa universe,” sabi ni direk Perci.

Dagdag ni Direk Jun, “At saka whatever happens, I think we will keep telling stories. “Yes! Totoo ‘yun!,” bulalas ni Direk Perci.

vuukle comment

KIT THOMPSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with