^

PSN Showbiz

Kit, pinaghahandaan na ang mga demanda ni Ana

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Walang nagsasalita para kay Kit Thompson. ‘Yun ang mabuting gawin sa ngayon para hindi na lumaki ang isyu, lalo na’t purisigido si Ana Jalandoni na ituloy ang kaso.

Sabi nga ng legal counsel ni Ana na si Atty. Faye Singson, hindi lang Anti-VAWC ang isasampang kaso kundi may iba pa, at pinag-aaralan pa nila ngayon. “Madami pang nilabag sa batas si Kit kaya iyon din ang aming pinag­hahandaan sa ngayon,” text sa amin ni Atty. Singson.

Pero ang mahalaga ay ang kalagayan ni Ana na nagpapagaling pa sa kanyang tahanan, kaya hihintayin pa raw muna nilang bumalik ang lakas nito.

Inaasahan na rin yan ng kampo ni Kit, kaya tikom ang bibig nila at hindi na rin pinapagsalita si Kit.

Pero hindi maitatangging, apektado nang husto ang showbiz career ni Kit.

Hindi na muna itinuloy ang streaming ng digital series nilang Ang Babae sa Likod sa Face Mask ng Puregold.

Vice, nilibre lahat ng mga bumibili ng gamot sa botika

Totoong nakaka-good vibes itong huling ipinost ni Vice Ganda sa kanyang vlog na may pamagat na Gamot Nyo, Sagot Ko! Pagkatapos niyang mag-It’s Showtime, nag-ikot sila sa Quezon City kasama ang kanyang college friend na si DD.

Ang gagawin daw nila ay pupuntahan nila ang isang botika, at babayaran niya ang gamot na binibili roon. “Napakasimpleng pa-good vibes lamang ito pero sana makakapagbigay ng ngiti dun sa mapagbibigyan ng good vibes,” pakli niya.

Nakarating sila sa isang botika sa V. Luna, Quezon City at nasa kotse muna siya, pero nasabihan na sa botikang ‘yun na lahat ng bumibili ay siya na ang magbabayad.

Laking gulat ng mga bumibili roon dahil nalibre na ang binili nilang gamot.

Hindi pa natuwa dun ang host ng It’s Showtime, bumaba na siya at nakipagtsikahan na sa mga bumibili roon.

Sobrang tuwa nila dahil hindi lang iilang gamot kundi binayaran na niya ang pang-isang buwang maintenance na gamot. “Imagine mo ‘yung maintenance, ang laking gastos nun ha? ’Yung araw-araw na gamot, magkano ‘yun sa isang buwan, magkano ‘yun sa isang taon, magkano ‘yun kung ilang taon mo na siyang inaano ‘di ba? Laging meron kang pinaglalaanan na… kaya ‘yung ganyang simpleng tulong, naka-smile sila,” natutuwa niyang pahayag.

Inabot na ito ng gabi at nakikita roon sa vlog na pumipila na ang mga taong bumibili. Kahit ang ibang may pambili naman ay nagulat dahil sinagot ito ni Vice Ganda. “Pero kahit may pambili siya, pero iyung may nag-extend sa ‘yo ng tulong, masarap sa pakiramdam e. Kahit sila…hindi naman sila nagpunta diyan dahil meron silang inaasahang tulong. Wala. Bibili sila. Pero ‘yung kahit hindi sila humihingi, ‘pag may nagkusang nagparamdam sa kanila ng pagpapahalaga at nagkusang nagbigay sa kanila ng kagandahang loob, masarap ‘yun sa pakiramdam.

“You shared a piece of your heart to the person,” seryoso niyang pahayag.

Nakakatuwa ang ganung vlog na nai-extend nila ang blessings na dumarating sa kanila.

Matagal na rin itong ginagawa ng ibang vloggers. Kagaya ng ginagawa ni Yassi Pressman na binili niya ang lahat na ginawang bag ng mga babaeng preso.

Kahit si Ogie Diaz ay sinagot niya ang tuition fee ng anak ng komedyanteng si Dagul.

Maganda itong spreading good vibes lang at pagmamahal.

Julie Anne, apaw ang pagiging inspired at in love

Makahulugan ang sagot ni Julie Anne San Jose sa tanong ko sa kanya sa nakaraang mediacon kung ‘as a friend’ lang ba ang closeness nila ni Rayver Cruz. “We’ll see,” nakangiti niyang sagot.

Kasama si Julie Anne sa malaking show ng GMA Pinoy TV sa Dubai, ang Stronger Together: GMA Pinoy TV at Expo 2020 Dubai na gaganapin sa Dubai Millennium Ampitheatre sa March 30.

Makakasama niya rito sina Xian Lim at Jessica Villarubin na humarap din sa mediacon nito nung  Miyerkules, March 23.

Diretsahan ko siyang tinanong kung anong level na ba ang relasyon nila ni Rayver.

“Ano po. We really enjoy each other’s company, and ‘yun happy lang naman po. All good things, and we’ve always been closed and really best friends and yeah we’re just happy to be around each other’s company.”

Nilinaw ko pa rin sa kanya kung sa panliligaw na stage pa rin ba si Rayver, safe ang sagot niyang; “I think I’m not the right person to answer the question. Mas okay na lang ho kung siya na lang po ‘yung tanungin,”

Pero obvious namang masaya si Julie Anne. Iba ang glow at saya na nakikita sa kanyang mukha. Kaya sinabi kong mukhang inspired siya at in love.

vuukle comment

KIT THOMPSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with