^

PSN Showbiz

Misis ng actor na laging nakaabang sa sustento, ‘di makahirit ngayong ECQ

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Walang palag ang dating asawa ng isang aktor nang hindi siya mabigyan ng sustento ng dating asawa.

Tigil trabaho rin kasi sa telebisyon ang aktor dahil sa kasalukuyang enhanced community quarantine.

Noon kasing under pa ang Metro Manila sa general community quarantine, laging nakaabang sa suweldo ng aktor ang dating asawa. Wala namang magawa ang aktor dahil napagkasunduan nila sa korte ang buwanang sustento sa kanya at mga anak, huh!

May iba na kasing ka-partner ngayon ang aktor na malayo man sa kanya eh hindi naman palahingi ng sustento.

EA, ‘di makapaniwala sa natanggap na Eddys award

Totally unexpected para kay Edgar Allan Guzman ang ­panalo bilang best supporting actor sa nakaraang The Eddys mula sa Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd.

Nanalo si EA para sa performance niya sa pelikulang ­Coming Home.

“Unang-una, gusto kong magpasalamat kay Lord for this talent and the passion. ‘Yung every project na ibinibigay N’ya sa akin, andun ‘yung passion at pagmamahal ko sa craft ko at hindi N’ya iniiwan bigla kung binigay N’ya sa akin.

“Thank you sa lahat ng bumubuo sa the Eddys, sa SPEEd, ito ang kauna-unahang award ko and this means a lot to me,” pahayag ni Edgar Allan sa kanyang speech.

Isa nga ang girlfriend na si Shaira Diaz na hinandugan ni EA ng award.

Samantala, mapapanood si EA sa Heartful Café sa GTV at sa Agimat ng Agila sa GMA 7.

Congrats, EA at sa lahat ng bumubuo ng SPEEd.

vuukle comment

EDGAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with