^

PSN Showbiz

Mga artista sa Miracle… bida lahat

SCENE SEEN - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Misleading ang mga balita na lumalabas sa social media tungkol sa pagpanaw ni Mico Palanca. Sumakabilang-buhay si Mico noong December 8

pero na-identify lamang ang katauhan niya ng isang kamag-anak noong December 9 at ito ang araw na nalaman ng publiko ang malungkot na balita.

SCENE: Ibuburol ang bangkay ni Mico Palanca sa Arlington Memorial Chapels. Hinihintay lamang ang pagdating ngayon, December 11, mula sa Amerika

ng kanyang nanay na si Pita Revilla-Hocson.

SEEN: Ang igalang ang kanilang privacy sa panahon ng pamimighati ang tanging hiling ng naulilang pamilya ni Mico Palanca sa official statement na

inilabas nila.

SCENE: Tumanggi ang San Juan City Police na magbigay ng pahayag tungkol sa pagkamatay ni Mico Palanca. Ang magpunta nang personal sa kanilang

station ang sinasabi ng San Juan City Police sa mga reporter na tumatawag sa landline nila at nagtatanong tungkol sa death case ng 41-year old actor.

SEEN: Magagaling umarte ang mga aktor na co-star ni Aga Muhlach sa Miracle in Cell No.7 kaya may katwiran si Aga nang sabihin nito na bida silang

lahat sa pelikula nila na official entry sa 45th Metro Manila Film Festival.

SCENE: Puwedeng magkaroon ng nominasyon sa best supporting actor category sa Gabi ng Parangal ng MMFF sina John Arcilla, Joel Torre, Tirso Cruz

III, JC Santos, Soliman Cruz, Mon Confiado at Jojit Lorenzo dahil sa pagganap  nila sa  Miracle in Cell No.7.

SEEN: Basang-basa ng luha ang mga mata ng nanood ng special screening ng Miracle... sa VIP Cinema ng Fishermall noong Lunes,  dahil sa mga

makabagbag-damdamin na eksena ng pelikula. Dumalo si Quezon City District V House Representative Alfred Vargas sa special screening nito at

nagustuhan ni Alfred ang pelikula at ayon sa kanya, ang magkaroon ng role na tulad ng karakter na ginampanan ni Aga ang pangarap ng bawat aktor na

kagaya niya.

vuukle comment

ARLINGTON MEMORIAL CHAPELS

MICO PALANCA

PITA REVILLA-HOCSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with