Quezon’s... extended

SEEN: Extended ang pagpapalabas sa mga sinehan ng Quezon’s Game dahil sa magagandang reviews sa historical film ng Star Cinema at Kinetek na pinagbibidahan nina Raymond Bagatsing at Rachel Alejandro.
SCENE: “Thank you everyone for the chance to serve as your senator. The Good One is now signing off…” ang mensahe ng pamamaalam ni outgoing Senator JV Ejercito na binibigyan ng malisya dahil sa kutob na nagpapatutsada pa rin siya sa kanyang estranged brother na si Jinggoy Estrada.
SEEN: Action-comedy at hindi horror movie ang pelikula na isasali ni Coco Martin sa Metro Manila Film Festival sa December 2019. Si Coco ang producer, direktor at aktor sa still untitled project na pagsasamahan nila nina Jennylyn Mercado at AiAi Delas Alas.
SCENE: Sa August 2019 ang cinema playdate ng Mina-Anud, ang crime comedy movie ng Regal Entertainment Inc. na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jerald Napoles. Ang Mina-Anud ang winner sa Southeast Asia Film Financing Forum sa Singapore noong 2017.
SEEN: Project Kapalaran ang working title ng romantic comedy series ng ABS-CBN na tatampukan nina Sylvia Sanchez, Joey Marquez, JM De Guzman at Arci Muñoz.
SCENE: Si Cherie Gil ang ipinalit kay Eula Valdez sa karakter na gagampanan sana nito sa Just A Stranger, ang love story drama movie ng Viva Films. Lead stars ng Just A Stranger sina Edu Manzano, Marco Gumabao at Anne Curtis.
SEEN: Kailangan nang mag-enroll ng isang aktor sa acting workshop dahil habang tumatagal, lalong nagiging OA ang kanyang mga eksena sa afternoon drama series ng isang major television network.
- Latest

























