^

PSN Showbiz

KC sumuko na sa mommy Sharon niya

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tapos na ang problema ng mag-inang Sharon Cuneta and KC Concepcion.

Sa guesting ni KC sa Aquino and Abunda Tonight last Thursday night, bago matapos ang interview niya ay nag-hi siya sa kanyang mommy. “Hi to my Mom who’s in L.A. Mama, I miss you and I love you very much.”

Maalalang nag-emote si Sharon kamakailan tungkol kay KC sa kanyang Facebook account. Ilan sa mga naging isyu ang pagpapa-sexy ni KC.

Pero nanatiling tahimik noon si KC at ngayon obviously, nagkaayos na sila.

But wait, bakit nga kaya walang trabaho ngayon si KC sa ABS-CBN?

Kahit sa ASAP ay hindi na rin siya napapanood kaya nag-aalala na ang kanyang fans.

Chris Brown nakalayas na ng bansa

Finally nakaalis na ng bansa ang American singer/rapper na si Chris Brown na na-stuck ng dalawang araw sa isang hotel dito sa Manila matapos mag-concert sa MOA Arena.

Hinarang ito dahil sa kasong estafa matapos ang hindi pagsipot sa isang concert na ginanap sa Philippine Arena, na ayon sa isang tagapagsalita ng Iglesia ni Cristo sa interview sa DZBB ay wala silang kinalaman noong New Years eve.

Pero walang nakaalam kung saang hotel na-stuck ang American singer kaya kahit gustuhin ng Pinoy fans na makita siya, wala silang nagawa.

Nasa lahat na ng international news agencies ang nasabing balita kay Brown at may ilang nag-aalala na baka matakot na ang ibang international artists na pumunta ng bansa dahil sa naging karanasan ni Chris Brown.

Jane, Loisa, Jerome, at Joshua matindi ang pasasalamat

Nagpapasalamat ang buong cast ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita dahil sa tindi ng suporta ng TV viewers sa Kapamilya Gold teleserye na pinagbibidahan nina Denise Laurel, Christian Vasquez, Jane Oineza, Loisa Andalio, Jerome Ponce, Joshua Garcia, at Vina Morales.

Mula raw kasi nang umere noong Enero, unti-unting nabihag ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ang mga puso ng afternoon viewers dahil sa iba’t ibang mukha at kwento ng pag-ibig na tinatalakay nito. 

Mainit din ang naging pagtanggap ng mga tagasubaybay sa iba’t ibang fans’ day ng serye na ginanap sa iba’t ibang lugar sa bansa na pinangunahan nina Jane, Loisa, Jerome, at Joshua.

Samantala, tiyak na mas kapananabikan ng mga manonood ang mas umiinit na mga tagpo sa  ngayong patuloy pa ring ipinaglalaban nina Cecilia (Vina), Toni (Denise), Corinne (Jane), at Bea (Loisa) ang kanilang pinaniniwalaang pag-ibig.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

CHRIS BROWN

CHRISTIAN VASQUEZ

DENISE LAUREL

JANE OINEZA

JEROME

LOISA

NASAAN KA NANG KAILANGAN KITA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with