Meg crush na crush si Angel!
Noon pa man ay malaki na raw talaga ang pagÂhanga ng bida ng teleseryeng Moon of Desire na si Meg Imperial kay Angel Locsin. Pinapangarap din ni Meg na makasama ang idolo sa isang proyekto kung mabibigyan siya ng pagkakataon. “Nasa kabila pa siya noon, naumpisahan ko siya no’n kung papaano siya naging Angel Locsin. Bata pa lang ako, girl crush ko na siya, so fan na fan ako niya. Gusto ko siyang makatrabaho. I think marami akong matututunan sa kanya,†nakangiting pahayag ni Meg.
Para kay Meg ay talagang kakaiba ang talento ni Angel bilang aktres. Sobrang galing daw ni Angel sa serye nitong The Legal Wife kaya pinanonood din ni Meg ang nasabing soap opera. “Ang ganda, ang galing nilang lahat at ang story catchy na ngayon. ‘Yung tipong hindi mo na papalampasin ang mga eksena,†dagdag ni Meg.
Ngayon pa lamang nakapagbida sa isang serye ang aktres at ayon dito ay hindi raw talaga niya iÂnakala na magiÂging matagumpay ang Moon of Desire. “Kasi first soap ko ‘to, hindi na ako nag-expect ng too much kasi hindi naman ako kilala ng tao pa naman. Happy naman ako na ganito ‘yung nangyari. Hopefully magustuhan pa nila ‘yung story,†pagtatapos ng dalaga.
KZ napi-pressure magka-BF dahil kay Yeng
Aminado si KZ Tandingan na isa raw siya sa mga miyembro ng tinatawag ng ilan na ‘NBSB’ o No Boyfriend Since Birth. Lalo raw na-pressure ang singer na makahanap na ng kanyang ‘The One’ nang malaman ni KZ na engaged na rin ang kaibigang si Yeng Constantino sa kasintahan nitong si Yan Asuncion. “Sabi ko nga sa kanya, kasi nga 23 si Ate Yeng no’ng nagkaroon siya ng first boyfriend. Tapos 22 ako then wala pa akong boyfriend, NBSB rin ako. Sabi ko noon, ‘Naku! Ate Yeng, hindi ako napi-pressure talaga na magka-boyfriend kasi nandiyan ka,†bungad ni KZ.
Nagsisilbing inspirasyon daw si Yeng para kay KZ dahil sa diskarte nito sa buhay pag-ibig. “Alam ko naman na hindi nagmamadali tapos bigla ko na lang nakita sa Instagram niya, ‘I said yes’ parang gano’n. Tapos nag-usap kami pagka-Sunday na ‘yung prod nila sa ASAP, tapos sabi ko, ‘Ate Yeng, ano ka ba? Hindi nga ako nagmamadaling magka-boyfriend kasi nga inspirasyon kita pagdating sa ganyan. Tapos ngayon, malaman-laman ko engaged ka na. Nako! Mag-iiwas-iwas na ako sa barkada n’yo,†natatawang pahayag ni KZ.
-Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest


























