Gwen, matindi pa ang trauma nung dukutin sa marawi!

Taong 2003 nang ilunsad ang Viva Hot Babes na kinabibilangan nina Andrea del Rosario, Maui Taylor, Katya Santos, Jen Rosendahl, Myles Hernandez, Kristine Jaca, Hazel Cabrera, Sheree Bautista at Gwen Garci. Mula noon ay kabi-kabilang proyekto na ang nagawa ng naturang girl group.
Hinding-hindi raw makalilimutan ni Gwen ang isang insidente na dinukot siya ng isang hindi kilalang lalaki habang nagtatrabaho at dinala umano sa isang bundok sa Marawi. “That’s election kasi eh, campaign siya. So kasama kami everywhere they go. I don’t wanna mention who’s the President and Vice President. Sobrang nakakatakot, it’s very traumatic. I was not expecting naman kasi inakyat nila ‘yung stage, ng mga tao. Then bumagsak ‘yung stage, tapos hinablot kami isa-isa. Kasi kami ‘yung last na magpe-perform eh. Speech muna sila lahat ng Vice Presidents, Senators and after no’n, kami naman ‘yung kakanta. So inakyat nila ‘yung stage, bumagsak ‘yung stage and isa-isa na kaming kinuha. Sila (ibang miyembro ng Viva Hot Babes), napunta sila sa van. Ako, dinala ako sa bundok,” pagdedetalye sa amin ni Gwen sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sobrang takot ang naramdaman ng dalaga ng panahong iyon. Buti na lamang daw at agad na rumesponde ang alkalde ng Marawi kaya nailigtas si Gwen mula sa insidente. “Kasi soldier ‘yung kasama namin na nagbubuhat sa amin. Sa akin iba na ‘yung nagbubuhat. Ang sama-sama ng loob ko no’n. As in sobrang kabang-kaba ako. Sa utak ko, anong gagawin nila sa akin. Then after no’n, hinabol ng mayor ng Marawi. Thank God, thank you, Mayor. Then after no’n, Nakita ko silang nagrarambulan doon at duguan,” paglalahad ng aktres.
Ayon kay Gwen ay parang isang eksena lamang sa pelikula o teleserye ang nangyari sa kanya. Sa sobrang takot ay talagang napatulala na lamang ang dalaga noon sa mga nangyari. “Tito Boy, totoo pala ‘yung experience mo, parang maba-blackout ka. Akala mo pelikula lang or TV, kung nanonood ka ng TV, sabi mo ‘Tumakbo ka, tumakbo ka,’ pero hindi, totoo pala na mapi-freeze ka. Pwede naman akong tumakbo no’ng nagsusuntukan sila. Pero sa sobrang kaba ko, nanginginig ‘yung buong katawan ko. Hindi na ako nakatakbo,” pagbabahagi niya.
Nang muling makasama ang ibang miyembro ng Viva Hot Babes mula sa insidente ay bumalik kaagad sa pagtatanghal ang grupo. “After no’n pupunta pa kami sa another stage to perform. Iyak ako nang iiyak. Tapos nanginginig talaga ako. Kumakanta ako kasi I need to perform talaga. Wala akong choice. Kasi hinihintay kami ng mga tao. So, para lang mapasaya sila,” pagbabalik-tanaw ni Gwen.
Samantala, bilang pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng Viva Hot Babes ay gaganapin ang Bulaklak: The Reunion Concert sa Oct. 23 sa New Frontier Theater. “Kita-kita tayo doon, see you,” pagtatapos ng aktres.
(Reports from JCC)
- Latest























