Alex Eala, trending sa pag-awra sa paris fashion week!

Trending ang pagdalo ni Alex Eala sa Chanel’s Spring/Summer 2027 Runway Show sa ginaganap na Paris Fashion Week.
Nakasuot si Alex ng black top sa ilalim ng tweed jacket at maong na pantalon at may sunglasses habang may dalang bag at classic Chanel shoes.
Kasama niyang dumalo ang inang si Rizza na naka-Chanel din.
Sa kanyang post kalakip ang ilang photos na may iba-ibang anggulo ng kanyang pagdalo sa Chanel Runway Show at nilagyan niya ng caption na : “Freedom, made tangible
A beautiful collision of heritage, movement and artistry. Thank you @chanelofficial
#CHANELSpringSummer
#CHANEL #PFW”
Sinabi naman niya sa isang video interview ng Vogue Philippines na : “It’s so surreal to experience the collection, Chanel in Paris, I wouldn’t have had it any other way for my first show.”
Dagdag pa niya : “This is an experience of a lifetime for me. I’m a Chanel girl through and through so [I’m] just taking it all in.”
Ginanap ang show sa Grand Palais kung saan kabilang sa mga dumalo sina Nicole Kidman, Dua Lipa, at marami pang iba.
May mga kinilig naman nang makita in one frame sina Alex at K-pop star Keonho ng grupong Cortis.
Naka-bronze medal si Alex sa Asian Games bago siya bumiyahe sa Paris.
- Latest

























