^

PSN Showbiz

Anak dadaan sa multiple procedures, mag-isa lang inaasikaso ni Jackie

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Noong isang araw ay tinulungan ko ang Startalk host at entertainment editor ng Philippine Star na si Ricky Lo sa pagko-coordinate kay Jackie Forster para mainterbyu niya sa Singapore ang dating aktres at ang bunsong anak nito na si Caleigh na sa edad na three and a half years old ay matapang na nakikipaglaban sa sakit na leukemia.

Pero kahapon ay nakatanggap ako ng bagong text message mula kay Jackie. Malabo raw na makapagpainterbyu sila ni Caleigh kay Tito Ricky dahil ngayong araw na ito ay may multiple procedures na gagawin sa kanyang anak.

“Usually, it take her hours to wake up after the multiple procedures,” sabi ni Jackie.

“The next day is also rough for us, especially after bone marrow. So I need to beg off.”

Sa ngayon, medyo hirap si Jackie dahil sila lang ni Caleigh sa kanilang tinitirhang serviced apartment sa Singapore at hindi nga niya magawang ayusin pa ang mga gamit nila dahil sa pag-aasikaso sa anak niyang may sakit.

Ang asawa niyang si Michel Franken ay sa Kuala Lumpur, Malaysia pa rin based dahil sa trabaho nito pero inaayos na rin nito ang lilipatang trabaho sa Singapore para makasunod na rin ito at si Jared (isa pang anak) sa bansang ’yon.

Samantala, nagpapasalamat si Jackie sa patuloy na pagdasal ng encouraging message para kay Caleigh at nagsasabing ipinagdarasal ng mga ito ang kanyang anak na may sakit.

Richard miss na ng fans, pati ng ForeigNay

Abala ngayon sa taping ng It Takes Gutz to be a Gutierrez si Richard Gutierrez pero inaayos ang schedule ng binata para bukas ay mapagbigyan niya ang kahilingan ng mga taga-Eat Bulaga na mag-judge siya sa ForeigNay contest ng show.

Maganda kung magdya-judge bukas sa Foreignay si Richard dahil ang alam ko ay guest din si Sarah Lahbati na kasama sa opening number ng Eat Bulaga.

Miss na ng fans si Richard at gusto nilang mapanood ang binata, kaya tamang-tama kung a-appear bukas sa Eat Bulaga ang dating Kapuso actor.

Tiyak din namang papayagan ng mga taga-Eat Bulaga na i-promote ni Richard ang reality TV show ng kanilang pamilya dahil sa E! international channel naman ‘yon ipapalabas.    

Samantala, paglilinaw lang na ’yung product na ka-tieup sa pelikulang Beauty in a Bottle ay parang kaparehong produkto rin ng Cosmo Skin Glutathione na ine-endorse ng ate ni Richard na si Ruffa Gutierrez kaya hindi talaga siya puwedeng um-appear sa pelikulang iyon ang aktres.

Liz Uy kinontra ang gusto ng publisher

Very comfortable si Liz Uy sa taping kahapon ng Taste Buddies nina Solenn Heussaff at Isabelle Daza dahil close friends niya ang mga host.

May bago ng timeslot ang show, tuwing Sabado pa rin pero 8:45 p.m. na ang oras ng food and lifestyle show nina Solenn at Isabelle.

Habang hindi pa nagti-take, kinongratuleyt ni Isabelle si Liz dahil sa libro nito.

Ayon kay Liz, nakapag-third printing na ang libro niyang StyLIZed.

May nakapagtsika nga pala sa akin na noong una ay 8,000 copies lang ang gustong i-print ng publisher ng nasabing libro pero nag-react daw si Liz at para nga namang naa-underestimate siya kaya balitang 35,000 kaagad ang pina-print at naubos kaagad at nag-reprint at ubos na naman kaya nasa third printing na sila.              

vuukle comment

CALEIGH

COSMO SKIN GLUTATHIONE

DAHIL

EAT BULAGA

ISABELLE DAZA

IT TAKES GUTZ

LIZ

LIZ UY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with