^

PSN Showbiz

Alice hindi natatakot sa ‘Ahas’ ng mall

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nagpaparamdam si Alice Dixson  nang ialok niya ang sarili na maging endorser ng Robinsons malls para matuldukan na ang urban legend na kinain siya ng malaking ahas sa fitting room ng nasabing mall.

Si Alice ang December 2013 cover girl ng FHM ng Summit Media na sister company ng Robinsons malls.

SCENE: Hindi totoo ang urban legend tungkol sa ahas sa Robinsons malls dahil buhay na buhay si Alice Dixson at nagsulat na noon ng funny article ang businesswoman na si Robina Gokongwei tungkol sa imaginary snake na diumano’y kakambal niya.

SEEN: Halos P8,000 ang pinakamahal na presyo ng tickets ng concert ni Selena Gomez sa Smart Araneta Coliseum sa Jan. 29. 

SCENE: Busy sina Ogie Alcasid at Christian Bautista sa mga fund-raising concert. 

Performers sina Ogie at Christian sa Isang Pasko ng Pag-Asa at Saya: Alay sa mga Munting Bata na itatanghal sa PICC Plenary Hall sa Dec. 18. 

SEEN: Ginugol ni Dennis Trillo ang kanyang panahon sa anak na si Calix nang bumalik siya sa Pilipinas mula month-long concert tour ng My Husband’s Lover cast.

SCENE: May pressure kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang Pagpag: Siyam na Buhay dahil dito nakasalalay ang tagumpay sa box-office ng kanilang love team. 

Dapat mapatunayan nina Kathryn at Daniel na  hindi sila katulad ng ibang mga artista na sikat lamang sa free TV pero hindi pinapanood ang mga pelikula dahil ayaw ng fans na gastusan sila.  

Ang Pagpag ang Metro Manila Film Festival entry nina Daniel at Kathryn.

SEEN: Ang report ng Box Office Mojo sa mga pelikula na ipinalabas sa nationwide Philippine theaters noong Nov. 20 hanggang Nov. 24.

Umakyat sa P25 million ang box office gross ng Status: It’s Complicated ng Regal Entertainment, Inc.

 

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANG PAGPAG

BOX OFFICE MOJO

CHRISTIAN BAUTISTA

DANIEL PADILLA

DENNIS TRILLO

ISANG PASKO

KATHRYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with