^

PSN Showbiz

Kaya hindi muna babalik ng 'Pinas, Pacman magso-shooting na ng Hollywood film

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Matatagalan pa raw bago bumalik si Manny Pacquiao dahil itutuloy na raw nito ang pilgrimage sa Holy Land.

Gagawa pa raw ito ng pelikula sa Hollywood na Brass Knuckle, kaya ito raw muna ang pagkakaabalahan ng ating Pambansang Kamao bago ito bumalik ng bansa.

Good mood na raw si Manny ngayon at okay na raw ang pakiramdam dahil sa rami ng mga magagandang mensaheng ipinara­ting sa kanya na siya talaga ang panalo sa laban nila ni Timothy Bradley.

PAK: Ayaw mag-react ni Pauleen Luna sa ku­malat na isyung break na sila ni Vic Sotto.

Nagulat lang ang actress/TV host sa mga nagla­labasang intriga dahil wala naman silang inaamin sa tunay nilang relasyon.

Ang nasabi lang sa amin ni Pauleen, okay siya at wala raw ganung isyu.

Hanggang dun lang ang puwede niyang sabihin dahil wala itong sinasagot tungkol sa kanila ni Bos­sing Vic.

BOOM: Inisyuhan ng Warrant of Arrest si Annabelle Rama ni Judge Eleuterio Bathan ng Branch 92 ng QC-RTC dahil sa hindi nito pagsipot kahapon sa arraignment ng kasong libel na isinampa ni Nadia Montenegro laban sa kanya.

Ang pagkakaalam namin nasa Amerika pa si Tita Annabelle, kaya hindi ito nakarating.

Fourteen counts of libel ang nakasampang kaso at sampung libo bawat count ang piyansa na dapat nitong i-post.

Hindi sumasagot si Tita Annabelle sa tawag at text namin, at kahit ang abugado nito ay ayaw ding magsalita.

Kinahapunan ay nagkaroon naman ng preliminary hearing sa Kalookan City Prosecutor’s Office ng kasong libel din na isinampa ng dating Mayor Boy Asistio laban kay Tita Annabelle.

Ang abugado lang nito ang sumipot at doon pa lang nila natanggap ang complaint affidavit kaya binigyan sila ng palugit na June 25 para makapag-submit ng counter-affidavit. Pero kailangan dumalo raw si Tita Annabelle para sumpaan ang isusumiteng counter-affidavit.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

BOY ASISTIO

BRASS KNUCKLE

ELEUTERIO BATHAN

HOLY LAND

KALOOKAN CITY PROSECUTOR

NADIA MONTENEGRO

RAW

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with