^

PSN Showbiz

Pauleen tumangos ang ilong nang pumayat

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Mas maganda si Pauleen Luna ngayon. Dahil siguro pumayat kaya parang lalong tumangos ang ilong niya. Pero nang tanung-tanungin namin tungkol sa nababalitang relasyon nila ni Vic Sotto, nang maka-tsika namin sa joint birthday celebration ng mga kaibigan at kasama sa trabaho na sina Ms. Shirley Pizarro and Gorgy Rula, ngiti lang ang sagot ni Pauleen.

Basta ayaw niyang mag-comment.

Ang ipinakita niya ay ang photos nang sumemplang siya sa bike sa kanilang village at nahati ang upper lips niya at kinailangan niyang magpahinga ng more than a week bago bumalik sa Eat Bulaga.

“Ginawan agad nila ’yan ng imbentong kuwento. Ewan ko ba,” sabi na lang niya sa mga naglabasang balita na hindi niya maisip kung paanong nagkaroon agad ng conclusion na kesyo buntis siya at kung anik-anik pa.

Wala rin siyang comment sa mag-inang Dina Bonnevie at Oyo Sotto na kontra sa relasyon daw nila ni Bossing Vic.

Kung sabagay, bakit pa nga naman siya magko-comment kung confident siya sa relasyon nila?

Yeng no bf since birth

Swak na swak kay Yeng Constantino ang Valentine concert niyang Unique Valentine Show: OK Lang Maging Single sa Valentine’s on Feb. 3 at Music Museum.

Kasi certified single siya at member ng NBSB (no boyfriend since birth). Oh yes, wala pa siyang experience sa pakikipag-relasyon pero wala naman siyang regret.

Pero nag-e-expect siyang pag-27 niya, she’s 23 now, mag-aasawa na siya. “Pinagpi-pray ko po. Pero hindi ko naman pini-pressure ang sarili ko. Kung hindi po darating, okay lang naman,” tsika niya sa isang chance interview.

At kung ang maraming artista ay aligaga sa pagpupundar ng mga ari-arian, particular na ang bahay at lupa, siya wala nang planong mag-invest sa bahay at lupa. Rason niya: Sayang lang naman. Hihintayin na lang niyang ang magiging asawa ang magpo-provide sa kanya at ang magiging anak nila ng tirahan.

Napagawan na niya ng bahay ang parents niya sa Rizal kaya kuntento na siya sa napanalunan niyang condo unit sa Pinoy Dream Academy.

Hindi kalakihan ang nasabing condo unit pero ayos na siya dun dahil maganda ang location at view.

Anyway, si Yeng ang may concept ng Valentine concert.

“It was August of last year around the time of my solo concert when I though of the title and immediately, the concept came,” sabi ng pop rock princess.

Pati ang mga kakantahin niya ay siya mismo ang namili at maging design ng poster, basta lahat daw ng mapapanood sa show, nanggaling sa kanya.

So hindi na lang para sa mga magka-relasyon, ma-e-enjoy na rin ng mga single na dati ay nagmumukmok pagdating ng araw ng mga puso at nagse-self pity pa.

Ok Lang Maging Single sa Valentine’s ay produced ng Cornerstone Concerts, RRJ, and Qualibet at dinirek ni Dido Camara.

For tickets, call Ticketworld 891-9999.

Makikinabang sa kikitain ng concert ang mga may breast cancer.

Kaseksihan ni Sarah napansin sa concert ni Anne

Ang bongga ni Anne Curtis. Napuno niya ang Araneta Coliseum last Saturday night.

Aminado naman siyang hindi siya singer pero nag-enjoy ang mga nanood sa kanyang kanaturalan niya sa pagkanta.

Kahit pumiyuk-piyok siya, pinaglalaruan lang niya ang sarili at binawi sa mga bonggang outfit at kaseksihan.

Pero ang isa pang napansin nila sa concert ay ang solo number ni Sarah Geronimo na isa sa mga guests. Puna nang marami lalong gumanda si Sarah at seksi-seksihan na talaga.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ARANETA COLISEUM

BOSSING VIC

CORNERSTONE CONCERTS

DIDO CAMARA

LANG

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with