^

PSN Showbiz

BF ni Iza may ibang babae na

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Nagri-react pa rin ang mga fans ng magka-loveteam na Joshua Dionisio at Barbie Forteza dahil   feeling nila, naapi ang kanilang idolo sa billing ng Tween Academy: Class of 2012.

Pero malinaw namang naipaliwanag ng mga taga-GMA Films na ang pelikula ay binuo ng cast ng Tweenhearts at meron naman silang kanya-kanyang moment.

Inaasahan pa rin namang susuportahan ito ng JoshBi followers pero sana masundan daw ito ng isang pelikulang pagbibidahan talaga ng dalawa.

Ayaw naman ni Joshua na madaliin pa dahil mas nakaka-pressure daw iyun.  Hayaan na lang daw ang GMA Films na mag-decide kung kailan ang tamang panahon para sa kanilang dalawa.

Successful ang premiere night ng Tween Academy kagabi na ginanap sa Cinema 9 at 10 ng SM Megamall. Showing na ito simula sa Miyerkules.

PAK: Lumabas ang pagka-fan ng Starstruck Avenger na si Ian Batherson nang nakita nito si Nora Aunor sa birthday party ni Mother Lily Monteverde na ginanap sa Imperial Palace noong isang gabi.

Taga-Iriga kasi si Ian at nung bata pa raw siya, kapag nasabi raw niyang galing siya sa naturang lalawigan kaagad na sinasabing lugar iyun ni Nora Aunor.

Na-curious daw siya kung sino itong Nora Aunor. Nakita lang daw niya ito sa mga showbiz news, kaya nung nalaman daw niyang darating ito sa bansa, na-excite daw siya agad.

Kaya nung nakita niya ito sa party, hindi talaga siya umalis hangga’t hindi niya nakilala ng personal ang Superstar.

Nagpakilala ito at nag-usap sila ng Bicolano at nagpa-picture pa si Ian. Maikukuwento na raw niya sa kanyang Mommy na nagkakilala na sila ng superstar.

BOOM : Magsasalita na si Iza Calzado mamaya sa Showbiz Central tungkol sa break-up nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Atticus King.

Mag-iisang buwan na pala silang break pero ayaw idetalye ni Iza ang dahilan nang hiwalayan bilang respeto na rin daw sa magandang samahan nila ng pamilya ni Atticus.

Kukumpirmahin lang naman daw niya sa Showbiz Central na totoong single na siya ngayon pero wala na raw siyang puwedeng maidagdag pang kuwento maliban dun.

May nakakarating pa ngang kuwento sa amin na nakikipag-date na raw si Atticus sa ibang girls, pero ayaw nang magkomento ni Iza tungkol dun. Basta wala raw third party involved sa kanilang hiwalayan.

vuukle comment

ATTICUS

ATTICUS KING

BARBIE FORTEZA

DAW

IAN

IAN BATHERSON

IMPERIAL PALACE

NORA AUNOR

SHOWBIZ CENTRAL

TWEEN ACADEMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with