^

PSN Showbiz

RS Francisco, pinarangalan ng FAMAS!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
RS Francisco, pinarangalan ng FAMAS!
RS Francisco

May panibagong dahilan para mag-celebrate ang actor, producer, at businessman na si RS Francisco!

Tumanggap kasi si RS ng FAMAS Presidential Award sa katatapos na 74th FAMAS Awards.

Isa si RS sa mga personalidad na binigyang-parangal ng Filipino Aca­demy of Movie Arts and Sciences (FAMAS), kasama ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa entertainment industry kamakailan.

Pero bukod sa kanyang tagumpay bilang aktor at negosyante, abala rin ngayon si RS sa pagsuporta sa mga artistang may malaking potensiyal sa entertainment industry.

Partikular na rito ang rising P-pop boy group na 6ENSE at ang OG P-pop sensation na Chicser, na parehong patuloy na nakatatanggap ng suporta mula sa kanya.

Sa katunayan, si RS mismo ang nasa likod ng ideyang pagsamahin ang dalawang grupo sa kantang Kitang Kita Kita, na isinulat ni songwriter Wiji bilang isang awitin tungkol sa friendship.

Naging malaking sorpresa ang kanilang collaboration sa 11th PPOP Music Awards sa Big Dome, kung saan muling nagpakitang-gilas ang Chicser kasama ang 6ENSE.

At hindi lang performance ang ipinagdiwang ng dalawang grupo dahil itinanghal ding Rising Boy Group of the Year ang 6ENSE, habang tumanggap naman ng PPOP Frontier Award ang Chicser.

Para kay RS, mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong talento habang patuloy na kinikilala ang mga artistang nauna nang nagbigay-inspirasyon sa mga tagahanga.

“Super thankful ako sa FAMAS for this award. Siyempre, malaking bagay sa akin na mabigyan ng ganitong recognition, lalo na’t mahal na mahal ko talaga ang showbiz. Masaya ako na hanggang ngayon, parte pa rin ako ng industriyang ito,” ani RS.

“Pero para sa akin, mas masarap ang success kapag may natutulungan kang iba. Kaya hangga’t kaya ko, gusto kong suportahan ang mga bagong artistang may ta­lento at pangarap. Ang daming magagaling na Pinoy talents, kailangan lang talaga nila ng chance na maipakita kung ano ang kaya nila,” dagdag pa niya.

Hindi rin maikakaila ang kanyang suporta sa dalawang grupo sa pamamagitan ng Frontrow International, ang kumpanyang kanyang itinatag kasama ang business partner na si Sam Verzosa.

Kabilang ang Chicser at 6ENSE sa mga artistang kumakatawan sa kanilang Luxxe White at Velorian brand, na patuloy na nakikipag-ugnayan sa entertainment industry sa pamamagitan ng mga collaboration at celebrity partnerships.

Sa kabila ng pagiging abala sa negosyo, nananatiling malapit sa puso ni RS ang mundo ng entertainment.

At ngayong may bago na naman siyang FAMAS recognition, mas lalo lamang nabibigyang-pansin ang iba’t ibang papel na kanyang ginagampanan bilang aktor, entrepreneur at supporter ng mga Pinoy talent.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with