^

PSN Showbiz

Cesar walang nagawa sa gusto ng anak

RATED A - Aster Amoyo -

Kung si Cesar Montano lamang ang masusunod, ayaw sana niyang mag-showbiz ang anak niyang si Diego. Mas gusto niya itong makapagtapos muna ng pag-aaral pero hindi na napigilan ng binatilyo ang kaway ng showbiz, ang mundong ginagalawan ng kanyang ama, tiyahing si Bing Loyzaga at maging ang kanyang inang si Teresa Loyzaga bago ito nag-migrate sa Australia.

Kaya wala ring nagawa ang mister ni Sunshine Cruz kundi ang suportahan na lamang ang kagustuhan ng anak na mag-artista basta hindi nito pababayaan ang kanyang pag-aaral.

Hindi Montano ang ginamit na screen name ni Diego kundi isinunod niya ito sa apelyido ng kanyang inang si Teresa Loyzaga.

Si Diego ay pasok na sa cast ng top-rating drama series ng ABS-CBN na Mara Clara.

Nang sumakabilang-buhay ang kaisa-isang anak na lalake ni Cesar sa yumao nitong asawa, si Angelo, kinumbinse niya ang  anak (kay Teresa) na umuwi ng Pilipinas at dito na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ang siste, pagdating ng Pilipinas, naengganyo si Diego na pumasok ng showbiz.  

Para ibigay ang kanyang suporta, umuwi pa ng Pilipinas si Teresa from Australia para lamang ma-witness ang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN ng kanyang anak na si Diego.

Derek at Angelica walang keber sa mga naninira

Matagal-tagal na rin ang relasyon bilang magka­sintahan nina Angelica Panganiban at Derek Ramsay pero aminado ang dalawa na kahit maganda ang takbo ng kanilang relasyon ay hinahaluan pa rin ito ng mga intriga na ang direksiyon ay paghiwalayin sila.  Pero sa halip na patulan na kesyo may third party sa part ni Derek, tinatawanan na lamang nila ito dahil alam naman daw nila ang totoo.

Nagtataka rin ang magkasintahan kung bakit hindi matanggap ng iba na masaya sila at magli-limang taon na ang kanilang relasyon. Pareho rin silang supportive sa kanilang respective careers.

At kahit matagal na ang relasyon nila, wala pa raw sa usupan nila ang paglagay sa tahimik dahil pareho pa raw silang nagi-enjoy sa kanilang respective careers.  

Singer na...

Bukod sa pagiging isang mahusay na actor, director at painter, producer, and businessman, pinasok na rin ni Cesar Montano ang pagiging isang singer-composer na muli niyang pinatunayan sa kanyang kauna-unahang solo self-titled album sa bakuran ng Sony Music na ni-launched kamakailan lamang sa kanyang Italian restaurant in Quezon City, ang Bellissimo.

Sa siyam na awitin na nakapaloob sa kanyang album, pito rito ay sariling komposisyon ni Buboy (Cesar).

Sunshine manganganak na anytime

Anyday now ay nakatakdang isilang ni Sunshine Dizon ang kanyang first baby sa kanyang husband at isa itong girl pero ayaw pa nilang i-reveal ang pa­ngalan na kanilang inihanda.

Kung excited si Sunshine at ang kanyang mister sa kanilang magi­ging unang supling laluna ang mommy ni Sunshine na si Dorothy Laforteza sa kanyang kauna-unahang apo sa kanyang bunsong anak.

Once na makapanganak at bumalik na sa dati ang kanyang katawan, babalikan pa rin ni Sunshine ang kanyang showbiz career at suportado naman siya ng kanyang husband sa desisyon nitong magbalik-showbiz.

                                                       

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BING LOYZAGA

CESAR MONTANO

DEREK

DEREK RAMSAY

KANYANG

PILIPINAS

TERESA LOYZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with