^

PSN Showbiz

Movie ni Pacman pang-DVD lang.

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Two important events overlapped last Friday night: Ang red carpet preem ng Pangarap Kong Jackpot at ang first MTRCB Awards.

Uunahin ko muna ang Pangarap Kong Jackpot ng Golden Lion Films at ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kung saan noon ko lang din napagtanto na wala pala itong commercial run as in it is not going to hit the theatres.

Since this is a PCSO-funded project, ang mga ku­wentong Hawak Kita, Hawak Mo ’Ko, Sa Ngalan ng Busabos, at Hiwaga ni Lolo Hugo ay nagbi­bigay-diin sa kahalagahan ng naturang ahensiya in alleviating the lives of the dreamy-eyed Pinoy.

During the preem ay nagpamahagi ng mga DVDs ng naturang trilogy (wish ko lang, hindi ma-replicate at ibinebenta na by now sa mga bangketa, but so what? Hindi nga ito for commercial exhibition, ’no!).

Tunay ngang all-star cast ang trilogy maliban sa mga respective bida ritong sina Eddie Garcia, Jake Cuenca, at Manny Pacquiao. But pandering set aside, lumutang ang presence ni CJ Caparas, anak ng mag-asawang direk Carlo at Tita Donna Villa, na sangkot sa isang kidnap gang.

For a tyro, CJ is a revelation. Hindi rin nagpatalbog ang kanyang kapatid na si Peach who plays an aspiring journalist, may moments din ang dalaga.

* * *

On to the first MTRCB Awards, kuwela ang batang si Santino o si Zaijian Jaranilla, the miracle boy in ABS-CBN’s May Bukas Pa na nagwaging Best Teleserye slamming GMA 7’s Dyesebel. Since he couldn’t reach for the mic ay binuhat pa siya ng tumayong host na si Ryan Agoncillo only to deliver this speech:

“Nais ko pong pasalamatan ang M-R-T…,” na-distract si Santino sa nagko-coach sa paligid kung ano ang tamang acronym, “ang M-R-C-T-B,” sabay baling uli sa likod. Hagalpakan ng tawa ang audience sa booboo na ’yon ng bagets which he later corrected, “ang M-T-R-C-B,” sabay nagpalakpakan ang mga tao.

Muli pang umani ng masigabong applause si Santino nang iwan niya ang mga katagang ito: “Ke Kapuso o Kapamilya pa po kayo… panalo tayo kay Bro (referring to God!)!”

Samantala, ang hinirang na Best Actress ay si Bea Alonzo para sa I Luv Betty La Fea (tinanggap niya ang trophy via VTR), habang si Michael V. naman ang tinanghal na Best Actor, presumably for Bubble Gang.

Hindi makapaniwala si Bitoy dahil karaniwan na raw kasing hindi nalilinya sa larangan ng pagpapatawa ang mga nananalo sa naturang kategorya. Idagdag pa raw ang kanyang ikinapanalong programa kung saan maselan ang pagpapatawa hango sa pulitika, sex o relihiyon.

vuukle comment

BEA ALONZO

BEST ACTOR

BEST ACTRESS

BEST TELESERYE

BUBBLE GANG

DONNA VILLA

EDDIE GARCIA

GOLDEN LION FILMS

PANGARAP KONG JACKPOT

SANTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with