^

PSN Showbiz

John Prats hindi ma-PDA sa babae

-

Gusto talaga ni John Prats na magkatuluyan sila ni Shaina Magdayao, dahil nang banggitin minsan ng isang kolumnista na hindi nagkakatuluyan ang magkumare’t magkumpare’y, medyo bothered at nagtanong kung totoo iyon. Inaanak kasi nila ni Shaina ang baby boy ng kapatid niyang si Camille Prats, kaya biniro.

Ano naman ang comment ni John sa nasulat na hinahalikan daw niya ang braso ni Shaina sa rehearsal ng ASAP at nakita iyon ng maraming tao?

“Hindi totoo. Hindi ako gano’n, ’di ako ma-PDA (public display of affection) na tao at kahit gustung-gusto ko ang tao, never kong gagawin iyon sa harap ng maraming tao,” paliwanag ni John.

Samantala, opening ngayon ng Manay Po 2: Overload at naniniwala si John at mga kasama sa movie na magugustuhan ito ng moviegoers. Sabagay, sa premiere night pa lang, tawanan na ang manonood sa mga nakakatawang eksena. Ipinagmalaki ni John na idea niya ang paglalagay ng balabal sa leeg para maging fashionista ang dating niya at inamin ding si direk Joel Lamangan ang peg niya sa character niyang si Orson, dahil iyon din ang fashion statement ng direktor.

* * *

Muling mapapanood ang husay sa magic ni Bearwin Meily sa Thou Shalt Not Blink na mapapanood sa April 27, 9-11 p.m. sa QTV. Follow-up niya ito sa very successful Stealing Minds na nagustuhan ng mga nakapanood.

Ayon kay Bearwin, scarier and bigger ang Thou Shalt Not Blink na ang pinaka-highlight ay ang teleporting niya from GMA Network hanggang sa bahay nila sa Cainta. Nakauwi raw siya ng bahay ng walang trapik at inabot lang ng isang oras at bente minutos. Tuluy-tuloy ang shots nito na si Bearwin mismo ang kumuha, kaya walang kukurap.

Mas marami ring artistang guests si Bearwin sa second magic special niya gaya nina Richard Gomez, Judy Ann Santos, Marian Rivera, Ryan Agoncillo, John Estrada, Vhong Navarro, Miguel Vera, Leandro Muñoz, Anjo Yllana, Yasmien Kurdi, Rayver Cruz, at Ms. Gloria Romero. Si Francis Magalona ang sumulat at kumanta ng theme song at guest din ni Bearwin ang sikat na magician na si Lou Hilario. (NM)

vuukle comment

ANJO YLLANA

BEARWIN

BEARWIN MEILY

CAMILLE PRATS

JOEL LAMANGAN

JOHN ESTRADA

THOU SHALT NOT BLINK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with