^

PSN Showbiz

Sandara, di mapag-aral ang 2 kapatid

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi maiwasan ni Sandara Park ang maluha habang ikinukwento sa presscon ng D‘Lucky Ones ang malaking problema ng pamilya. May pamilya na ang amang Koreano at may dalawang anak sa karelasyong Pinay na 16 years old lang nang makuha nito.

Nang iwan sila ng ama nito ay may naiwanang mga utang at siya ang hinahabol ng mga pinagkakautangan ng ama.

Si Sandy ang breadwinner ng pamilya at hindi naman siya aktibo sa mga projects kaya hindi sapat ang kanyang kinikita. Nalulungkot nga ito dahil hindi niya mapag-aral ang dalawang nakababatang kapatid na nasa bahay lang.

First time niyang mag-bikini at makipag-kissing scene sa nobyong si Joseph Bitangcol sa D‘Lucky Ones kaya inaasahang kikiligin din ang kanilang mga fans.
Blonde Ang Kilay Ng Anak Ni Gladys
Three months na si Kristoff na anak nina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Super gwapo ang anak ng dalawa kung saan bukod sa blonde ang kilay ng bata ay blonde din ang buhok nito. Parang pinagbiyak na bunga ang mag-ama.

Super healthy ng baby dahil breastfed ito. Kadalasan ay nakakatulog ang baby nang nakadapa sa dibdib ng aktres.

Tuwing Lunes ay umuuwi ng Maynila ang mag-asawa kasama si Kristoff kung saan dun sila tumutuloy sa ina ni Gladys. Tuwing Martes kasi ang taping nito sa Bahay Mo Ba To! at umuuwi na sila sa kanilang bahay sa Laguna tuwing Huwebes.
Iza, Dadalawin Ng BF
Tuesday nang dumating ang nobyo ni Iza Calzado from Boston at tiyak na panonoorin nito ang Moments of Love na tinatampukan ng aktres. Ano kaya ang masasabi ng bf nitong si Jerry Garcia sa pelikula?

Abala ngayon ang aktres sa paggawa ng movie dahil napatunayan nito kung gaano siya kahusay umarte. Ginagawa nito ngayon ang Blackout under Unitel Pictures katambal si Robin Padilla.

Hanggang April 7 na lang ang taping ng Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas kaya may panahon ito sa syuting at pag-aasikaso sa kanyang bf habang narito sa ‘Pinas.
Blind Item: Humahakot Ng Lapad Sa Japan Ang Sexy Star
Naibulong ng aking source na kapag may show sa Japan ang sexy star ay talagang nakakabili ito ng sasakyan pagdating sa bansa. "Paano naman, talagang maraming mayayamang Japanese customer ang nagagandahan sa kanya." Payag din daw itong ilabas ng club ng mayamang customer kaya nakakaipon ng maraming lapad.

Miyembro ito ng isang singing group na hataw sa mga shows kahit walang pelikulang ginagawa.

vuukle comment

BAHAY MO BA TO

BLIND ITEM

BLONDE ANG KILAY NG ANAK NI GLADYS

CHRISTOPHER ROXAS

DADALAWIN NG

GLADYS REYES

HANGGANG APRIL

HANGGANG WAKAS

LUCKY ONES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with