Ruffa, 40 lbs na ang nabawas sa OMAD!

Sana all 40 lbs ang na-lose ni Ruffa Gutierrez.
Ito ang inamin niya sa isang Reel interview sa event ni Rajo Laurel recently.
At ang dress size niya, number 2 na.
Matagal-tagal nang naka-OMAD (One Meal a Day) ang diet niya pero marami raw siyang vitamins!
“Mga 10 different vitamins!” na prescibed aniya ng kanyang doctor.
“Bawal lang ang mga fatty food. Pero more on vegetables ako.
“Pero, meron namang cheat day. Puwede ka namang kumain once a week ng gusto mo, para hindi ka deprived!” sabi niya pa sa amin nung huli namin siyang nakausap.
Tungkol naman sa kanyang mga kinakain:
“I did the same thing everyday. Fish, protein, steak, gulay, shirataki rice, and I eat only once a day,” habang tubig lang talaga ang iniinom niya.
At importante raw, walang stress dahil wala siyang jowa.
Friends pa rin naman sila ni Herbert Bautista.
- Latest





















