^

PSN Showbiz

Direk Lino, depressed dahil kay Bianca

-
Hindi itinanggi ng taong malapit sa Sexbomb na nagka-iyakan ang grupo sa ilang araw nilang hindi pagsipot sa Eat Bulaga dahil ito lang daw ang show na pupuwede silang mapanood araw-araw ng kanilang fans.

"Aminado naman silang malaki ang utang na loob nila sa show dahil dito, nakilala sila at naging venue rin ang Eat Bulaga para sa kaliwa’t kanan nilang rakets," say pa sa amin.

"Dahil lang kay Sugar Mercado, nagkagulo sila dahil masyadong papansin, nagtagumpay naman siya dahil naging paborito siya ng management ng Tape, Inc.

"Ang nangyari kasi, nagpapansin din ang grupong Sexbomb, kung baga, nagtampo sila kaya hindi sila pumasok, e, hindi man lang daw pinansin ‘yung tampo nila, parang ayaw na silang pabalikin pa kasi nagpa-audition na raw ng back-up dancers ni Sugar. Bale si Sugar ang ugat ng gulo," pagtatapat sa amin.

Tinanong namin ang kausap namin kung bakit hindi pa rin nagpapa-interbyu ang manager ng grupo na si Joy Cancio para marinig naman ang panig niya dahil nagpaliwanag na sina Malou Choa-Fagar, over-all-chairman ng EB at Lito Alejandria na isa sa may-ari ng Klownz Comedy Bars?

"Busy kasi si Joy kaya wala siyang masyadong alam sa nangyayari, ipinararating na lang sa kanya, puro meetings kasi siya at nakikipag-brain storming siya sa Season 12 ng Daisy Siete, tapos may mga commercials pa, may out of town shows pa, kaya gulung-gulo siya sa mga nangyayari.

"Nagulat na lang siya na hindi nag-report ang dancers niya sa Klownz kasi nga pina-hold, ang nakarating sa kanya, pinatanggal?" esplika pa sa amin.

At ang latest naman daw ay nagkausap na sina Joy at Lito para magkaliwanagan at hindi na rin babalik ang Sexbomb sa Klownz. At sa kagustuhang hindi mawalan ng raket ang mga alaga dahil sa matinding pangangailangan ay nakipag-negotiate na raw si Joy sa Punchline at Laffline kung saan nabigyan ang grupo ng regular nilang araw simula this Wednesday at Thursday.

"Hindi kasi pupuwedeng nagso-show sila sa Punchline o Laffline tapos nagso-show din sa Klownz, magkakalaban sila," katwiran sa amin.
* * *
Umamin sa amin ang mga kaibigan ni Direk Lino Cayetano na sobrang problemado raw ngayon ang director.

"Sobrang payat niya ngayon, tinanong nga namin kung kumakain pa siya, e, hindi naman sumasagot. Kitang-kita mo ‘yung lungkot sa mga mata niya.

"Sobrang depressed siya sa nangyayari ngayon dahil kay Bianca (Gonzales). Gusto na nga niyang lumabas ng PBB house si Bianca. Miss na miss na niya," ito ang pahayag sa amin.

Dati-rati raw ay palangiti si Direk Lino at nakikipagbiruan ito sa mga katsika niyang artista lalo na kung kasama sa projects niya, pero ngayon daw ay parating tahimik at tipid na tipid daw kung ngumiti. — REGGEE BONOAN

vuukle comment

BIANCA

DAHIL

DAISY SIETE

DIREK LINO

EAT BULAGA

KLOWNZ

SEXBOMB

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with