^

PSN Showbiz

Isa lang at hindi dalawa anak ni Czarina Polman kay Diego Castro

- Veronica R. Samio -
Kung maaari sana ay ayaw nang pag-usapan pa ng bagong artista at mabilis na gumagawa ng pangalan sa pelikula na si Czarina Polman ang isa sa mga Second Chance Takers ng 30 Days ng GMA7 na si Diego Castro pero, ayaw naman niyang masabihan na gumigimik siya at lalong mahihirapan siyang magsinungaling kung kaya sa kanyang pa-presscon na ginanap sa Annabel’s kamakailan para makilala siya ng press at bahagi na rin ng promosyon ng kanyang unang pelikula, ang Makamundo ay binasag niya ang kanyang katahimikan tungkol sa tunay na relasyon nila ng anak ng dalawang kilalang personalidad na sina Angelo Castro at June Keithley at ama ng kanyang magtatatlong gulang na anak na babae na si Janna.

Inamin ni Czarina na ikinasal sila ni Diego sa Australia matapos ang episode nito kay Raven Villanueva at kung kaya hindi nila ito ipinagmakaingay ay sa dahilang hindi legal dito ang kanilang kasal na wala pang isang taon ay nagwakas din. Ngayon ay divorced na sila at bagaman at nag-uusap sila para sa kapakanan ng kanilang anak, kung maari ay gusto na ni Czarina na burahin si Diego sa kanyang isip.

"Wala namang third party involved sa aming paghihiwalay. Hindi na lang kami maligaya sa aming relasyon. Magsa-suffer lang ang bata kung magpapatuloy kami ng pagsasama for her sake.

"We were married for almost a year. Nagkakilala kami through Cheska Garcia, tapos yun binisita na niya ako," pagbabalik alaala ni Czarina na umamin na pareho silang mahilig sa pagkain ni Diego. "I was into baking, siya naman was into culinary arts. Di ko nga alam kung bakit nag-aartista siyang muli. He’s well off, he has other things to do."

Dati nang nag-aartista si Czarina. Pangalan n’ya nun ay Rina Rosal. "Acting is just an unfinished business. I"ve been acting since I was a child both in movies and theater. Before I used to play the role of Mama Mary," sabi niya sabay tawa nang makita niyang parang di naniniwala ang kanyang mga kausap. "Just like when I tell everybody that I don’t have a boyfriend. They all think I am lying but It’s the truth. I also don’t say who are courting me because I don’t want to be denied. It’s up to the guys to admit this."

Nakagawa siya ng isang soap opera sa Hongkong na parang Meteor Garden. "Its a Ringo Lam Production. His son is my leading man in the project."

After Makamundo, nakatakda niyang gawin ang isang international movie titled Drug Squad. Raymond Bagatsing will in the film too. May nakatakda rin silang pagsasamahang pelikula ni Alma Concepcion who came to the presscon to support her.

Sinabi n’ya na walang enhancement ang kanyang 36-26-36 figure. "Lumiit pa nga ang boobs ko dahil nagpatanggal ako ng cyst," sabi ng napaka-prangkang babae na di lang ang career ang ini-enjoy ngayon kundi ang kanyang freedom.

"I’d like to add that many people have the wrong notion that I have two kids. Isa lang po ang naging anak namin ni Diego. Minsan napapagkamalang dalawa dahil I used to take care of his and Raven’s daughter," pagtatapos ni Czarina.
* * *
Maraming plano para sa showbiz ang napaka-kontrobersyal na bold actor na si Dante Balboa na marami na naman ang masa-shock dahil sa kanyang pelikulang Karelasyon ay mayro’n itong maiinit na lovescenes kina Kuhdet Honasan at Karina Zobel at nagpakita pa ito ng kanyang butt sa pelikula.

Hindi sana ito shocking kundi lamang sa pangyayaring isa siyang guro sa kolehiyo. Kaya nga marami ang nag-aalinlangan dito dahil bakit nga ba siya maghuhubad pa, ang makikipag-lampungan sa malaking telon kung isa siyang iginagalang na
tagapagturo sa paaralan.

Sinabi niyang walang kinalaman ang kanyang pag-aartista sa kanyang pagiging isang guro. Ang
dalawa ay parehong mga trabaho na kailangan niyang pagbutihin. And so far, feeling niya ay nabibigyan niya ng hustisya ang kanyang pagiging isang artista sapagkat napapansin siya.

"Kung inaakala ng manonood na grabe na yung mga eksena ko sa
Kasiping, pinaka-grabe itong Karelasyon. Torrid lahat ng eksena," imporma ng aktor na nagsimulang umarte sa tanghalan.

May balak ding maging direktor si Dante in the future pero, ngayon nagpapakilala pa lamang siya. Marami na rin siyang nagagawang mga script na inaasahan niyang maisasalin sa pelikula.
* * *
Nakikiramay nga pala ako kay Kuya Germs sa pagpanaw ng kanyang kapatid na lalaki matapos maratay sa banig ng karamdaman. Isa si Kuya Germs sa iilang artista na itinuturing kong kaibigan at alam ko na malabis ang kanyang kalungkutan sa pagkawala ng isang minamahal.

Nakikiramay ako at ang pamilya ko sa iyo, Kuya Germs at sa buo mong pamilya.

vuukle comment

ALMA CONCEPCION

ANGELO CASTRO

BEFORE I

CHESKA GARCIA

CZARINA POLMAN

DANTE BALBOA

KANYANG

KUNG

KUYA GERMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with