^

PSN Showbiz

Nag-iiyak muna't nagsisigaw bago ginawa ang lovescene !

- Veronica R. Samio -
Shocked ang family ni Karina Zobel nang malamang pumayag itong mag-bold sa pelikula. Alam nilang may pangarap na mag-artista ang 18 taong gulang na mag-aaral ng BS Tourism sa Letran de Calamba at suportado naman nila ito pero, hindi nila sukat akalain na papayag itong maging bold star. At dahil nasa edad na naman ito para gumawa ng sarili niyang desisyon, wala na silang nagawa kundi payuhan ito na mag-ingat sa kanyang sarili. Malabis ang pagtitiwala nila sa tumatayong manager nito na si Richard Hiñola, manager din ng iba pang bold stars na tulad nina Yda Manzano, Hanni Miller, Stella L at marami pang iba.

Agad nasabak sa hubaran at maiinit na eksena si Karina sa kanyang first film venture, ang Karelasyon na nagtatampok din kina Kuhdet Honasan, Dante Balboa, Bobby Benitez, Isabela Gomez at Paolo Rivero.

Walang workshop si Karina bago siya sumabak sa pelikula, nagtiwala na lamang siya sa guidance ng kanilang direktor sa pelikula. First time din nilang mag-meet ni Dante Balboa, ang makakaeksena niya at mga apat o limang ulit niyang makaka-lovescene.

Hindi naman binigo ni Karina ang mga kasamahan niya sa pelikula. Nagawa niyang ibigay ang hinihingi ng mga eksena. Katunayan, marami sa nakapanood ng rushes ng pelikula ang nagsasabing napaka-init ng performance nila ni Dante. Kundi parang matagal na silang magkakilala ay may relasyon na sila.

"Umiyak ako bago ko ginawa ang eksena. Naintindihan naman ako ng direktor at maging ng mga kasamahan ko. Bago ang shoot ay iniwan nila ako na kung saan ay sinamantala ko ang aking pag-iisa at sumigaw ako ng ubod ng lakas para mailabas ko ang lahat ng aking takot at inhibitions," pagtatapat ni Karina na ikatlong anak sa apat na magkakapatid. Inaasahan ng kanyang pamilya na sasali siya sa isang beauty contest dahil ang kanyang nakatatandang kapatid ay sumali rin nun sa Bb. Pilipinas.

Matangkad si Karina at 5’6", may magandang pangangatawan at magandang mukha. May pinag-aralan din. Ngayon nag-aalala siya na baka dahil nag-bold siya ay tanggihan na rin siya ng mga nagpapatakbo ng beauty contests. Tulad ng nangyari sa isang bold star na na-discriminate dahil gumawa ng bold movie.

Sa hindi niya malamang kadahilanan, natawa si Karina nang mapanood ang mga naging eksena niya. "Parang di kasi ako makapaniwala na ako yung napapanood ko. Hindi naman pala kasing-hirap ng inaasaahan ko ang pagganap sa mga bold scenes. Lalo’t very helpful at napaka-gentleman ng kapareha ko," pagmamalaki ng baguhang artista na mayro’ng mga three breast exposures sa Karelasyon..
* * *
Ibang tao ang nalulungkot sa failure ng relationship ni Nikki Valdez. Nalungkot din si Nikki pero, na-realize niya na napakahirap talaga ng isang long distance relationship. Umaasa na lamang siya na next time ay magtatagumpay na siya at makikita na ang lalaki para sa kanya.

Samantala, kung hindi happy ang kanyang lovelife,
happy naman ang kanyang acting career. Bukod sa mga matagumpay niyang serye sa TV, mayro’n na naman siyang bagong movie, ang Now That I Have You na nagtatampok kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Best friend ni Bea ang role niya, isang kaibigan na walang sawang nagpapayo dito kung paano nito mahahawakan ang kanyang minamahal.

"Parang ako si Stefi, yung character na pino-portray ko, kikay pero, hindi loud, she knows how to get along. Kahit luka-luka ako, kahit hindi ko maayos ang buhay ko, always ready ako for my advices sa mga kaibigan ko, akong-ako in real life," pagmamalaki niya.

vuukle comment

AKO

BEA ALONZO

BOBBY BENITEZ

BOLD

DANTE BALBOA

HANNI MILLER

KARINA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with