^

PSN Showbiz

Cong. Jules di tatakbo sa eleksyon...

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Nu’ng ganapin ang sorpresang selebrasyon para sa kaarawan ng aming kasamang si Edu Manzano na pinaghandaan ng Showbiz Sabado ay dumalo ang iba pang mga alaga ni Manay June Torrejon.

‘Yun ang unang-unang pagkikita namin nang personal ni Congressman Jules Ledesma, matagal na namin siyang napapanood sa telebisyon, pero kailanman ay hindi pa nagkukrus ang aming mga landas.

Kay Assunta de Rossi ay wala kaming problema, sa kabila ng hindi namin pagsang-ayon sa maraming pahayag na ibinibigay niya tungkol sa hidwaan nila ng kanyang kapatid na si Alessandra, kapag nagkikita kami ng aktres ay marespeto pa rin niya kaming binabati.

Ganu’n silang magkapatid sa amin, kahit si Alex ay hindi nagbabago ng pagtingin sa amin kapag hindi namin sinasang-ayunan ang mga sinasabi nito, kaya nakalulungkot isipin na nakakaya nilang umunawa ng kanilang kapwa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakasundo.

Nu’ng huli naming nainterbyu si Alessandra ay sinabi nito sa amin na madali lang daw naman sana para sa dalaga ang patawarin si Assunta, kaso nga lang ay ito lang naman ang kinakausap ni Assunta, pero patuloy pa ring sinasaktan ang kanilang ina.

"Saka sabihan niya muna ang asawa niya na tantanan na ang mommy ko! Sulat siya nang sulat sa daddy ko na nilalait at pinipintasan ang mommy ko, kaya paano ko naman sila pakikisamahan ng maayos?" sabi pa sa amin ng prangkang si Alessandra.

Ang sumusulat daw sa kanilang ama ay si Congressman Jules, "Imagine, ang sabi niya sa daddy ko, e, maganda pa rin daw ang mommy niya kahit matanda na, samantalang ang mommy ko, e, mukhang matanda na, samantalang mas matanda pa ang mommy niya sa mommy ko?" naiinis pang sabi ni Alex.

Maraming dahilan ang pagkainis ng batang aktres sa kanyang bayaw at kapatid, kaya anuman ang mangyari ay hindi ito pupunta sa pagpapakasal sa simbahan ng mag-asawa.
* * *
Nang maka-usap namin si Congressman Jules ay parang wala ring naganap sa aming pagitan, parang hindi na niya natatandaan ang maaanghang na salitang binibitiwan namin noon laban sa kanya, "It’s your opinion and I will never take it against you," marespeto niyang sabi.

Napanood daw nila ang interbyu namin kay Alex, nagtataka ang mag-asawa kung anu-ano yung mga sulat na sinasabi ni Alessandra, dahil sa pagkakaalam ni Cong. Jules ay dalawang beses lang siyang sumulat sa kanyang biyenang lalaki.

"I hope I can show everything to you, mas gusto kong makita mo mismo ang mga sinasabi ko, before I answer your questions.

"Mas maganda na kasi ang malinaw, it’s better that you read first the letters, para you can give your opinion," sabi uli ng pulitikong mister ni Assunta.

Buo na sa kanyang kalooban ang hindi pagkandidato sa susunod na taon, maraming may gustong tumakbo siyang senador, pero siya na mismo ang iiwas dahil may gusto siyang patunayan.

"I want to prove her mom wrong, dahil nu’ng bago pa lang kami ni Sam, nagsalita ang mommy niya na kaya ko lang daw niligawan ang anak niya, e, dahil gagamitin ko lang sa pulitika.

"Kaya ngayon, buo na sa isip ko ang hindi pagtakbo, gusto kong patunayan sa mga taong nag-isip ng masama sa akin na mali sila.

"Gusto kong i-prove sa kanila na malinis ang hangarin ko kay Sam. Masakit ang bintang nila sa akin, malayo sa utak ko ang sinasabi nila," napapailing pang sabi ng kongresista.

Sa buong gabing nakasama namin ang mag-asawa ay nakita namin kung paano sila magmahalan at magmalasakit sa isa’t isa, maligaya si Assunta sa piling ng pulitiko, spoiled nga ito kung tutuusin sa kanyang mister.

"Gusto kong sabihin sa pamilya ko na hindi ako nagkamali ng decision, pero they don’t give me naman the chance," malungkot na sabi ni Assunta de Rossi.

vuukle comment

ALESSANDRA

ALEX

ASSUNTA

CONGRESSMAN JULES

EDU MANZANO

JULES LEDESMA

NAMIN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with