^

PSN Showbiz

PBA players umiyak nang masangkot sa droga

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Walang ipinagkaiba ang mundo ng showbiz at basketball, kung meron ang showbiz ng mga superstar at starlet pa lang, sa mundo ng basketball ay may mga star players at nababangko ring manlalaro.

Otsenta porsyento ng buhay namin ay nakatutok sa showbiz dahil ito ang aming trabaho, pero ang natitirang 20 porsiyento ng aming buhay ay nakatutok sa basketball, marami kaming mga kaibigan at anak-anakang naglalaro sa PBA.

Dalawa sa kanila ay nasa gitna ng kontrobersya ngayon, sina Noli Locsin at Long David ng Talk ‘N Text, dahil noong Mayo 28 ay nagkaroon ng drastikong pampublikong pahayag ang pamunuan ng PBA na napatunayan sa kanilang mandatory random drug testing sa ilalim ng pagsusuri ng DOH-PNP na positibo sa droga ang dalawang manlalaro kasama sina Davon Harp, Ryan Bernardo at Zandro Limpot.

Matindi ang kredibilidad sa amin nina Noli at Long, kung ang pagkakilala sa kanilang pagkatao ay sapat nang dahilan para maisalba ang narumihan nilang pangalan sa senaryong ito ay taas-noo na uling lalakad ngayon ang dalawang manlalaro.

Ngayon lang kami nakakita ng mga taong pinagdadamutan na nga ang kanilang mga sarili ng layaw at sarap ng buhay, na ni sigarilyo’y hindi humihitit, pero nang suriin ang ihi, ay lumabas pang positibo sa salot na droga.

Agad-agad ay kumuha ng kani-kanilang abogado sina Noli at Long, gusto nilang ipagtanggol ang kanilang karapatan bilang tao, at kasunod nu’n ay sumailalim sila sa sunud-sunod na serye ng urine test sa iba’t ibang ospital.

Negatibo ang resulta ng mga isinagawang drug test, apat laban sa isa ang naging sukatan ng pagpapatunay na mali ang resultang inilabas ng PBA tungkol sa kanilang urine test sa ilalim ng pagsusuri ng DOH-PNP.

Ipagpalagay nang positibo pa rin ang naging resulta ng isa sa apat na pagsusuri, ang tatlo kayang natitira ay mali pa rin?
* * *
Malaking kasiraan para sa mga basketbolistang sangkot ang pangalan sa droga ang pangyayaring ito, hindi namin alam kung saan magsisimula ang pamunuan ng PBA sa pangunguna ni Commissioner Noli Eala sa pagsusulsi sa mga pinunit nilang imahe.

Iniyakan nina Noli at Long ang pagkakasangkot ng kanilang pangalan sa isyu ng droga, pansamantala silang hindi makalabas ng bahay dahil sa sobrang kahihiyan.

Heto ang mga taong halos sambahin na ang kanilang propesyon dahil du’n nagmumula ang ikinabubuhay ng kanilang mga pamilya, pero isang iglap lang pala ay mawawalan ng saysay dahil sa paglalabas ng isang maling balita.

Kalabisan man ay binabanggit na nila ang pangalan ng Diyos para lang mapatunayan nila na ganu’n kalinis ang kanilang kunsensiya.

Ganu’n katindi ang kanilang paninindigan na pinaniniwalaan namin ang kanilang payak na pagsisimula at kung paano nilang ingatan, mahalin at pagmalasakitan ang kanilang propesyon.

Hindi sila takot maghirap pero hindi nila mapapayagang husgahan sila at maparusahan sa isang bagay na kailanman ay hindi nila ginawa, kailangang mabigyan ng katarungan ang nawasak nilang imahe.

Malaki ang pananagutan ng PBA sa mga manlalarong inilagay nila sa alaganin at kahihiyan ang pangalan.

vuukle comment

DAVON HARP

KANILANG

LONG DAVID

N TEXT

NOLI

NOLI EALA

NOLI LOCSIN

RYAN BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with