^

PSN Showbiz

Mikee at Raheel, humingi ng paumanhin!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mikee at Raheel, humingi ng paumanhin!
Mikee Quintos at Raheel Bhyria

Humingi ng paumanhin ang Pinoy Big Brother Collab 3.0 housemates na sina Mikee Quintos at Raheel Bhyria matapos makasakit ng damdamin ng mga manonood ang kanilang mga kilos sa isang livestream na inakalang pangungutya sa mga person with disabilities (PWDs).

Sa episode noong Nov. 23, magkahiwalay na kinausap ni Big Brother o Kuya sina Mikee at Raheel sa confession room upang ipaintindi sa kanila kung bakit nakasakit ng damdamin ang kanilang ginawa at ipaalala ang kahalagahan ng pagiging sensitibo at paggalang sa kapwa.

Bagama’t nilinaw ng dalawang housemates na hindi nila intensyong pagtawanan ang mga PWD, napagtanto nilang naging insensitive ang kanilang mga kilos at humingi sila ng paumanhin.  “I didn’t mean anything, to mock anyone or to reference anything sensitive. Gusto ko lang patawanin si Robbie noon. Sorry, Kuya, hindi ko naisip na may mata-tap akong sensitive thing doon. Nakalimutan ko pong may mga mahu-hurt sa ganon’ng joke, pasensiya na,” katwiran ni Mikee.

Isang pagkakataon din aniya ito, ayon kay Mikee, ang pangyayaring ito para matuto at maging mas mabuting tao.  “Naniniwala po ako, Kuya, na mistakes are guidance and opportunities to be better.”

Naging emosyonal naman si Raheel habang kausap si Kuya. Pinagnilayan din niya ang kanyang ginawa at humingi ng tawad sa mga nasaktan nito.  “Gusto ko lang po talaga mag-sorry, Kuya, siyempre, sa mga tao that would think na we’re making fun of them kahit hindi po namin naiisip ‘yon,” pahayag ni Raheel.

Ipinaalala naman ni Kuya kay Raheel ang kahalagahan ng pagkilala sa sariling pagkakamali at pagkatuto mula rito.v “Ang mga housemates ko, tulad mo, ay naglakas-loob pumasok sa bahay ko, hindi bilang perpektong indibidwal, kundi mga tao na may pagkukulang, na nagkakamali, pero natututo,” ani Kuya.

Sa pakikipag-usap ni Kuya sa dalawang housemates, binigyang-diin niya na mahalagang isipin ang epekto ng ating mga salita at kilos sa ibang tao, kahit wala tayong intensyong makasakit.

Abangan ang mga bagong episode ng PBB Collab 3.0 tuwing weeknights, 9:35 p.m. sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel, GMA, iWant, at Kapuso Stream, at 10:15 p.m. sa Kapamilya Online Live on YouTube at Facebook.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with