^

Punto Mo

Tres Queridas (34)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MATAPOS maikuwento nina Diana at Lani ang trabaho ng kanilang mga ama sa Vergara Shipping Line na pagmamay-ari ng ama ni Celeste, unti-unti na nilang nabubuo ang koneksiyon nilang tatlo sa isa’t isa.

“Ang daddy mo, Celeste, ang may-ari na nagtipid sa maintenance ng barko,” nanginginig na himay ni Diana. Tumingin siya kay Lani na ngayon ay mangiyak-ngiyak na. “Ang tatay mo, Lani, ang inspector na binayaran para ipasa ang palpak na barko. At ang tatay ko... ang auditor na naglinis ng mga papeles para makuha ng mga Vergara ang insurance at matakpan ang butas.”

Natahimik silang tatlo, lunod sa ingay ng hampas ng alon sa gilid ng barko. Hindi lang sila mga babaing niloko sa pag-ibig. Sila ay mga anak ng tatlong lalaking nagtulung-tulong para sirain ang pangalan ng kapitan at wasakin ang pamilya ni Carlo.

“Hindi tayo pinakasalan ni Carlo dahil mahal niya tayo,” sabi ni Celeste, nakatitig sa madilim na karagatan “Pinakasalan niya tayo dahil tayo ang bayad sa utang ng mga tatay natin.”

Walang umiimik sa kanila habang patuloy na binabasag ng barko ang malalaking alon. Ang nanging naririnig lamang ay ang ugong ng makina ng barko at ang matinding hampas ng hangin. Nakapatong pa rin sa maliit na mesa ang tablet ni Celeste, nakabukas ang lumang artikulo tungkol sa paglubog ng MV Duchess Talia at ang mukha ng walong-taong gulang na si Carlo.

Biglang may naisip si Lani at nagtanong, “Diana... paano kung hindi niya talaga gusto ang batang ipinagbubuntis ko? Paano kung ginawa niya ‘to para iparanas sa akin ‘yung pakiramdam na mawalan ng pamilya?” dugtong na tila nagpa-panic

Bago pa man makasagot si Diana upang pakalmahin ang buntis na si Lani, biglang bumusina nang napakalakas ang barko.

Bumagal ang takbo ng barko. Nagbago ang ihip ng hangin. Sabay-sabay silang tumayo at sumilip sa labas.

Nasa Isla Balod na sila.

(Itutuloy)

TRES QUERIDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with