10 sangkap sa kusina na bawal ipahid sa mukha (Last part)
6. Cinnamon o kanela – May mga naghahalo nito sa homemade face mask upang makatulong umano sa pagtanggal ng tagihawat. Ngunit maaari itong magdulot ng matinding hapdi, pamumula at allergic reaction, lalo na sa mga taong sensitibo ang balat.
7. Hilaw na bawang – Dahil sa paniniwalang may katangiang panlaban sa mikrobyo ang bawang, may mga direktang nagpapahid nito sa tagihawat at kulugo. Ngunit maaari itong magdulot ng matinding iritasyon at maging chemical burn, lalo na kung iiwan nang matagal sa balat.
8. Hilaw na itlog – Ginagamit ng ilan ang puti ng itlog bilang face mask dahil sa paniniwalang nakapagpapasikip ito ng balat. Gayunman, pansamantala lamang ang pakiramdam na paninikip at wala pang matibay na ebidensiyang nakatatanggal ito ng wrinkles. May panganib din ng allergy at kontaminasyon.
9. Purong essential oil – Ang ilang langis, gaya ng tea tree oil at peppermint oil, ay ginagamit sa mga homemade beauty treatment. Ngunit kapag direktang ipinahid nang hindi angkop ang konsentrasyon, maaari itong magdulot ng pangangati, pamumula at allergic reaction.
10. Mainit na langis – May mga gumagamit ng langis sa pagmamasahe ng mukha, ngunit ang langis na masyadong mainit ay maaaring makapaso sa balat. Kahit malamig na langis ay hindi rin angkop sa lahat, lalo na kung nagdudulot ito ng baradong pores o tagihawat.
Tandaan: Hindi porke natural at matatagpuan sa kusina ay ligtas nang gamitin sa mukha. Mas mabuting gumamit ng mga produktong sadyang ginawa para sa balat. Kung may tagihawat, peklat o pekas na gustong mawala, kumonsulta sa dermatologist upang malaman ang angkop at ligtas na paraan ng paggamot.
- Latest















