^

Punto Mo

EDITORYAL - Ingatang ma-recycle ang ­nasamsam na shabu

Pang-masa
EDITORYAL - Ingatang ma-recycle ang ­nasamsam na shabu

NILINAW ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na 1.4 tonelada lamang ang nasamsam na shabu sa Alitagtag, Batangas noong Lunes at hindi dalawang tonelada. Nagkakahalaga ang shabu ng P9.68 bilyon at hindi P14 bilyon. Ayon sa PDEA, estimate lamang ang unang naipahayag sa media.

Magkaganunman, marami pa rin ang nakum­piskang shabu at kung hindi ito nasabat ng Alitagtag police, tiyak na ibibiyahe ito at ikakalat sa buong bansa. Tiyak na maraming buhay ang masasayang. Maraming kabataan ang tiyak na masisiraan ng ulo dahil sa pagkasugapa sa shabu.

Kaya nararapat na bigyang parangal ang hepe ng Alitagtag Municipal Police Station (MPS) na nanguna para masabat ang mahigit isang toneladang shabu. Kahanga-hanga ang ginawa ni Captain Luis de Luna Jr. at kanyang mga kasamang pulis para masabat ang illegal na droga.

Naharang sa checkpoint ang isang van na may plakang CBM 5060 na minamaneho ni Ajalon Michael Zarate, 47, residente ng Project 4, Quezon City. Nang hingin ang kanyang lisensiya, wala itong maipakita. Nang inspeksiyunin ang karga ng van, nakita ang mga plastic bags na may takip na sako. Nang buksan ang plastic bags, nadiskubreng shabu.

Hanggang ngayon naman ay hindi pa nalalaman ng PDEA kung saan at kanino galing ang shabu. ­Galing ba ito sa China? Kadalasang ginagawa ng drug syndicate ay pinaaanod ang shabu sa dagat at saka sinasagip sa laot ng mga mangingisda. Pigain ng PDEA ang drayber ng van para ikanta ang pinanggalingan ng shabu.

Noong Oktubre 7, 2022, 1 toneladang shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon ang nakumpiska sa isang pulis na miyembro ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) sa Tondo, Maynila. Nakilala ang pulis na si MSgt. Rodolfo Mayo. Maraming opisyal ng PNP-PDEG ang nasibak dahil sa cover-up ng nakumpiskang shabu.

Sunud-sunod ang pagkakumpiska ng shabu na nagkakahalaga ng bilyong piso. Pero ang nakapagtataka, makaraang ipresenta sa media, hindi na nalaman ang kinahinatnan ng mga nakumpiska. Nasaan na ang mga ito? Na-recycle na?

Ang dapat gawin ng PDEA, sunugin na agad ang mga nakukumpiskang shabu para maiwasang nakawin ng mga korap na drug enforcers. Huwag nang itago para hindi ma-recycle.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with