^

Punto Mo

Kabayo na may pinakamahabang buntot, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG miniature horse sa South Carolina, U.S.A. ang nakapagtala ng world record sa pambihirang haba ng buntot nito!

Kinumpirma kamakailan ng records keeping organization na Guinness World Records na ang kabayong si Sweetie ang pinakabagong record holder ng titulong “Longest Tail on a Miniature Horse” dahil may haba ang buntot nito na 5 feet and 11.26 inches.

Sa sobrang haba ng buntot ni Sweetie, mas mahaba pa ito kumpara sa kanyang height na 3 feet and 1 inch. Si Sweetie ay isang miniature horse at 36-anyos.

Ayon sa may-ari kay Sweetie na si Risa Formisano, nagsimulang humaba ang buntot nito noong 2012. Napansin nila na sumasayad na sa lupa ang buntot nito at simula noon, patuloy na ito sa paghaba. Para hindi masira ang buntot, itinatali nila ito na parang naka-ponytail para hindi sumayad kapag tumatakbo. Dalawang beses sa isang taon nila ito sina-shampoo at nilalagyan ng conditioner.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with