^

Punto Mo

EDITORYAL - Salot na POGOs

Pang-masa
EDITORYAL - Salot na POGOs

PATULOY pa rin ang operasyon ng Philippine offshore and gaming operators (POGOs) kahit walang naitutulong sa ekonomiya ng bansa. Walang pakinabang at sa halip, nagdudulot pa nang mara­ming problema kabilang na ang mga krimen.

Mula nang mag-operate ang POGOs sa bansa noong 2017, marami nang nangyaring pagpatay, kidnapping, human trafficking, crypto scam, money laundering, prostitution at iba pa. Sila ang tinutukan ng Philippine National Police (PNP) sa halip na ang mamamayan. Bukod sa idinulot na krimen, hindi nagbabayad ng buwis ang mga POGOs. Sila lamang ang kumikita.

Noong nakaraang Marso, mahigit 800 katao ang na-rescue ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa isang POGO hub sa Bamban, Tarlac. Sangkot ang POGO hub sa human trafficking, scam at illegal detention. Ayon sa PAOCC, sinalakay nila ang POGO hub makaraang magreklamo ang isang Vietnamese national na nakatakas sa POGO hub. Bukod sa Vietnamese, isang Malaysian national din ang humingi ng tulong sa PAOCC sapagkat ikinukulong sila sa compound na pinagtatrabahuhan. May mga empleyado rin na tino-torture.

Maraming mambabatas ang pabor na buwagin na ang POGOs sapagkat ayon sa kanila, walang napapakinabangan dito kundi pagdami ng krimen. Sampung senador ang nagpahayag na dapat nang buwagin ang POGOs. Nagsumite na ng report ang mga senador na nagdedetalye na hindi nagbabayad ng buwis ang POGOs.

Sa kabila na maraming mambabatas ang pabor sa pagbuwag sa POGOs, wala pa ring pagkilos sa pamahalaan. Sinabi minsan ni President Ferdinand Marcos Jr. na wala pa siyang nakikitang magandang dahilan para buwagin ang POGOs. Marami na umanong illegal POGOs ang nasalakay at dineport ang mga Chinese na nasa likod nito.

Kung wala pa ring pagkilos ang pamahalaan, dapat ang mga local government units (LGUs) na ang kumilos para mawakasan ang POGOs. Paigtingin ng mga mayor ang kampanya na ipagbawal sa kanilang nasasakupan ang POGOs.

Sa kasalukuyan, dalawang mayors pa lamang sa Metro Manila ang nagbabawal sa POGOs—si Pasig Mayor Vico Sotto at Valenzuela Mayor Wes Gatchalian. Sila pa lamang ang lumalaban para ganap na malusaw sa bansa ang POGOs. Gayahin sana sina Sotto at Gatchalian ng iba pang mayors para tuluyan nang mawala sa Pilipinas ang salot na POGOs.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with