^

Punto Mo

EDITORYAL - Busisiin ang Chinese students

Pang-masa
EDITORYAL - Busisiin ang Chinese students

NAKATAYA ang seguridad ng bansa sa pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan. Magkaroon ng background checks. Kailangang malaman ang kato­tohanan kung sila nga ba ay mga tunay na estud­yante o mga nag-eespiya. Sinabi ng Philippine National Police (PNP), na nagsasagawa na sila ng background checks sa Chinese students at nakikipag-ugnayan na sila sa mga ahensiya ng gobyerno para ma-verify ang mga estudyanteng Chinese na ayon sa Bureau of Immigration ay nasa 400 at pawang mga naka-enrol sa unibersidad sa Cagayan.

Idinepensa ng PNP ang ginagawang pagmonitor sa mga estudyanteng Chinese dahil sa isyu ng national security kung saan may dalawang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa Ca­gayan—ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana at ang Lal-lo Airport. Ipinagtataka ng mga awtoridad­ kung bakit sa EDCA sites gustong mag-aral at mani­rahan ng mga estudyante.

Ang presensiya ng mga estudyante sa Cagayan ay unang binunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Siniseryoso umano nila ang pagdagsa ng mga estudyante. Nangamba rin ang House of Represen­tatives sa pagdagsa ng mga estudyanteng Chinese at gusto nilang maimbestigahan ito. Sabi ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, naka­alarma na ang pagdagsa sa bansa ng Chinese workers, businessmen, tourists at ngayon naman ay mga estud­yante. Ayon pa kay Barbers, nagsisimula na ang pag­sakop ng China sa Pilipinas.

Nakapagtataka naman kung bakit ngayon lang ito nabulgar gayung 2019 pa pala nagsimula ang pagdagsa­ ng mga estudyante.

Paano naman nakalusot ang mga estudyante sa local officials ng Cagayan? Sabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba, dokumentado ang mga estudyante at may pahintulot ng Commission on Higher Education (CHED) ang pag-aaral ng mga ito. Idinagdag pa ni Mamba na hindi na kailangang magsagawa ng imbestigasyon ang House of Representatives ukol dito. Hindi naman daw banta sa seguridad ang mga estudyante at hindi dapat iugnay sa nangyaring tensiyon sa West Philippine Sea.

Ipagpatuloy ng House of Representatives ang pag­dagsa ng Chinese students para malaman ang kato­tohanan. Naghahatid ng pangamba ang mga ito lalo ngayong patuloy ang pag-bully ng China Coast Guard sa mga sasakyang dagat ng Pilipinas.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with