^

Punto Mo

Acorda, nagbigay pugay sa PMA!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Magkahalong saya at lungkot ang nadarama ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa iginawad sa kanya noong Sabado na testimonial parade sa Philippine Military Academy (PMA) grounds sa Baguio City. Itong parada ng mga PMA cadets mga kosa ay ibinibigay sa mga retiring top officials ng PNP at AFP. Si Acorda ay magreretiro na sa December 3.

Kaya masaya si Acorda dahil ginawaran siya ng “Outstanding PMA Alumnus” award ni PMA Superintendent Lt. Gen. Rowen Tolentino sa harap mismo ng asawang si Olivia at nanay na si Purificacion “Puring” Acorda. Wow! Bongga di ba mga kosa? Mismooooo! Inamin ni Acorda na after 37 years, noong Sabado lang siya nakabalik sa PMA as PNP chief para bigyang pugay at magpaalam sa academy. Sal-it!

“I can say that the PMA is a bastion of idealism. Alam n’yo po kapag alumni ka and every­time­ na babalik ka rito, kung naliligaw ka man ng landas, kapag babalik ka parang tatayo ang balahib mo. And you will be reminded that sundin ulit yung tamang daan because the cadet corps is somewhat parang may magnet ng idealism yan eh,” ang pahayag ni Acorda sa isang ambush interbyu sa PMA.

“So kung bumabalik ka rito hindi nawawala yung magic na parang you are for the country serving about professionalism and idealism and palaging andiyan. And it’s nice to be back home and also to thank the alma mater at pini-prepare ako for the challenges that I’ve faced in going up the ladder,” masayang sabi ni Acorda. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ni Acorda sa Dipuga na nag-iempake na siya. Kung siya ang tatanungin, gusto ni Acorda na matagal sa puwesto ang chief PNP para may continuity ang mga programa, lalo na sa pag-request ng budget para sa organization. “Para sa akin for good leadership, mas maganda pag matagal, because especially on our system now sa pag-request ng funds because it takes preparation,” ani Acorda.

“Kung halimbawa ngayon for 2023 ang ire-request natin is budget for 2024. So
if less than one year po ang Chief PNP so kapag yung mindset ng isang
chief PNP manghingi ng ganitong budget with these priorities eh by the
time na makuha na yung budget there will be new chief PNP, baka iba
naman yung priorities niya or iba yung pagtingin niya sa sitwasyon,” ang giit pa ni Acorda. Mismooooo! Hehehe! Kaya ang less than one year na lang sa serbisyo, abayyyyy hindi kayo i-endorse ni Acorda, maliban na lang kung tamaan pa kayo ng PNP reorganization law at plus one year pa kayo. Tumpak!

Nagpakita rin ng lungkot si Acorda na lilisanin niya na ang PNP na hindi pa naipatupad maigi ang mga programa niya. Nais ni Acorda na ang papalit sa kanya ay ipagpatuloy ang 5-focus agenda niya, na ang tatlo doon ay nakaumang upang makuha ang trust and confidence ng komunidad para magsalita sila. “If andiyan ang tiwala at magsasalita ‘yung taumbayan, I think that is a start of a progressive and peaceful community,” ang paliwanag ni Chief PNP. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kung satisfied siya sa performance niya sa 8 months n’ya sa trono ng PNP, tahasang sinabi ni Acorda na hindi siya madalas magbiyahe sa probinsiya dahil binuhos niya ang kakayanan para giyahan ang kapulisan sa tamang direksiyon. “Siguro kapag masabi mo you did your best, you maximized your time dahil minsan lang ako dadaan na magiging Chief PNP,” aniya. Dipugaaaa! Abangan!

vuukle comment

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with