^

PSN Showbiz

Deniece Cornejo: 'Ako ang biktima'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Deniece Cornejo ang mga akusasyon sa kanya ng artista at TV host Vhong Navarro.

“Kung may biktima at inosente dito, wala nang iba kundi ako,” pahayag ni Deniece Cornejo sa isang text message na ipinadala niya sa GMA7.

Kaugnay na balita: 'Malalagpasan din namin ito' - ex-wife ni Vhong

Si Cornejo ang itinuro ni Vhong na nasa likod ng pambubugbog at pambababoy sa kanya nang puntahan niya ito sa condominium unit sa Taguig City noong Enero 22.

Sinabi ng “It’s Showtime” host na anim na katao ang bumugbog sa kanya, kabilang ang Cedric Lee na nanutok ng baril.

Kaugnay na balita: Binaboy ako’ â€” Vhong

Dagdag ni Vhong na kinuhaan ng video ang kanyang maselang bahagi ng katawan at pinagsalitang sinubukan niyang gahasain si Cornejo bukod pa sa hininging P2 milyon ni Lee.

Pero hindi nagpatinag si Cornejo at sinabing lulutang din ang katotohanan.

Kaugnay na balita: Sekyu at condo admin maaring managot sa kaso ni Vhong

 â€œIf you want justice, I will give you the real justice. In the field of women’s rights. The right will always be right.”

“Mataas ang paghanga ko sa mga lalaki na marunong rumespeto at ipagtanggol ang mga kababaihan.”

Naiulat na nagpa-blotter si Deniece sa presinto noong kinagabihan ng insidente ngunit sinabi umano sa pulisyang hindi kakasuhan si Vhong.

Na

vuukle comment

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

KAUGNAY

SI CORNEJO

TAGUIG CITY

VHONG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with