^

PSN Showbiz

'Malalagpasan din namin ito' - ex-wife ni Vhong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kahit matagal nang hiwalay, hindi maialis ni Bianca Lapus ang pag-aalala sa sinapit ng kanyang dating asawa na si Vhong Navarro.

Sinabi ng four-month pregnant Bianca na hindi niya kayang makita ang itsura ng dating asawa dahil baka lalo siyang mag-alala at hindi mapalagay.

“I am really not good. Like I said I’m still in shock. I am almost four months pregnant now kaya I’m resting kasi di ko talaga kinaya ang stress at pagaalala di ko siya kaya makita,” pahayag ni Bianca sa “Umagang Kay Ganda.”

“Syempre at the end of the day pamilya pa rin kami naging asawa ko yun, kaibigan ko pa rin siya at mahal ko pa rin,” dagdag niya.

Kaugnay na balita: Sekyu at condo admin maaring managot sa kaso ni Vhong

Sinabi pa ni Bianca patuloy silang maghuhugutan ng lakas sa isa’t isa ng kanyang anak kay Vhong at sa current girlfriend ng “It’s Showtime” host.

“I told his family, the kids and his girlfriend, sa pagsubok na ito we are one family. We will draw strength from each other. Thru prayers, malalagpasan din namin ito.”

Samantala, sinabi ng abogado ni Vhong na inihahanda na nila ang mga isasampang kaso laban sa mga nambugbog at nambaboy sa TV host.

“Iyong ginawa sa kanya, katotohanan lang, kung alam ‘nyo lang ang ginawa sa kanya, ay dapat hindi maranasan ng kahit sinong tao. Walang karapatan ang kahit sinong tao na gawin ito sa kapwa niya na pambababoy, pambabastos, pambubugbog, pananakit, pananakot," sabi ni Alma Mallonga sa kanyang panayam sa “Startalk.”

 â€œAnd I think Vhong is prepared to do what is necessary dahil sa katotohanan lang, kung ito’y ginawa sa kanya na kilala at meron siyang pangalan, papaano pa ang ibang tao?”

vuukle comment

ALMA MALLONGA

BIANCA

BIANCA LAPUS

IYONG

LIKE I

SINABI

UMAGANG KAY GANDA

VHONG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with