^

Probinsiya

Indian trader itinumba sa Maguindanao

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Indian trader itinumba sa Maguindanao
Patay na nang madatnan ng mga awtoridad ang isang Indian moneylender nang bari lin sa ulo ng isa sa tatlong suspek habang nangongolekta ng pautang sa Brgy. Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Linggo.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines —  Isa na namang Indian national na may negosyong pagpapautang ang napatay sa pamamaril sa Central Mindanao nitong Linggo, pang-limang biktima na ng walang awang mga pamamas­lang mula 2022.

Sa ulat, ang moneylender na si Jagmeet Singh ay nangongolekta ng mga bayad sa kanyang mga pautang sa Barangay Limbo sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nang barilin ng pistol sa ulo ng isa sa tatlong lalaking lumapit sa kanya mula sa likuran na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office at ng tanggapan ni Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, tumutulong ang mga municipal officials at barangay leaders sa bayan ng Sultan Kudarat sa pagkilala sa pumatay kay Singh at mga kasama nito upang masampahan ng kaukulang mga kaso.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos na matiyak na napuruhan ang Indian, at tinangay nila ang kanyang bag na may lamang cash collections, ayon sa mga barangay leaders sa Limbo at mga officials ng Sultan Kudarat MPS.

Si Singh ang panglima nang Indian moneylender na napatay sa mga serye ng mga pamamaril sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, sa Midsayap, Cotabato, sa isang seaside municipality sa Sultan Kudarat at sa Koronadal City sa Region 12 nitong nakalipas na tatlong taon.

JAYSEN DE GUZMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with