^

Probinsiya

Chinese tiklo sa modus: Binebentang orig na cellphone, pinapalitan ng peke

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Chinese tiklo sa modus: Binebentang orig na cellphone, pinapalitan ng peke
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang 53-anyos na Chinese national makaraang arestuhin ng mga awtoridad nang ireklamo ng isang negosyante na pinagbentahan nito ng pekeng sikat at mamaha­ling cellphone sa lungsod ng Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasakoteng suspect na si Pan Quinhai, 53-anyos, tubong Shanghai, China.   

Sa pahayag sa pulisya ni alyas “Curt,” may-ari ng isang coffee shop sa Brgy. Talamban, Cebu City, dumating sa kanyang shop ang nasabing Chinese kama­kalawa dakong alas-11 ng tanghali na nag-aalok ng iPhone17 Pro Max sa halagang P35,000.

Ayon sa negosyante, sinuri naman niya ang cellphone na tunay na IPhone 17 Pro Max na gusto umano niyang bilhin pero P25,000 lamang ang kaniyang pera at pumayag umano ang Chinese na ibebenta niya ito sa nasabing halaga.

Sinabi ni Curt sa Chinese na kukunin lamang niya ang pera sa kaniyang bahay kung saan pinasakay pa siya ng suspect sa kotse nito. Matapos na makuha ang nasabing cash, nagtungo­ ang dalawa sa mall kung saan nang makuha ang bayad sa cellphone ay mabilis na umalis ang Chinese seller.

Gayunman, ilang sag­lit pa nang tingnan ng biktima ang cellphone ay nakita nitong pinalitan pala ng Chinese ng peke ang ibinigay sa kaniya kung saan agad nitong hinabol ang dayuhan na nakorner sa tulong ng mga bystander.

Sa pahayag ni P/Lt Col. Gerard Ace Pelare, Deputy City Director for Operations ng Cebu City Police, hindi ito ang unang pagkakataon na nasagkot ang suspect sa kaparehong modus operandi matapos siyang unang ireklamo sa Talisay City sa pagbebenta rin ng pekeng iPHone 17 Pro Max.

Samantala, ikinatwiran ng suspect na kailangan lang niya ng perang pambili ng plane ticket pabalik sa China kaya nagawang manloko.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with