^

Probinsiya

DPWH: Mga lumang tulay sa Camarines Sur sasailalim sa safety check, retrofitting

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng safety check at retrofitting sa mga lumang tulay sa Camarines Sur.

Nabatid na ipinag-utos ni DPWH Secretary Vince Dizon ang pag-iinspeksiyon at retrofitting sa mga lumang tulay sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Camarines Sur upang matiyak ang structural stability at safety ng mga ito.

Kahapon ay personal na nagtungo si Dizon sa lalawigan at ininspeksiyon ang Maharlika Highway, isang major transport route na nag-uugnay ng Luzon sa Visayas at Mindanao.

Inalam din niya ang progreso ng road projects at kondisyon ng mga tulay sa naturang pangunahing lansangan.

Kabilang sa mga binisita ng kalihim ay ang San Francisco Bridge sa munisipalidad ng Baao.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with